Saturday , May 10 2025
Roel Esquillo

Roel Esquillo sasargo sa 1ST  Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament

NAKATAKDANG ipamalas ni Roel Esquillo ang kanyang husay sa pagsargo sa First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament sa Abril 1 hanggang 3, 2022 na gaganapin sa 3rd floor Bowling and Billiards, Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

“I hope to do well in the upcoming First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament ,” sabi ni Esquillo na maraming beses nang nagkampen sa Japan.

“I will pour all that I know in the cue sports,” ani pa Esquillo.

Ang iba pang masisilayan sa susunod na buwan ay sina Jerico Banares, Mark Mendoza, Raymund Faraon , AJ Manas, Manalo Tanasas, Alex Lumpay, Kenneth Arpilleda, Patrick Gonzales, Jonas Reyes, Julius Orcollo, Erlindo Doria, John Salazar at Bernie Regalario.

Tatanggap ang magkakampeon ng P40,000 plus Maestro Mistica Custom Cues. Nakalaan sa second placer ang P20,000, sa third P10,000, sa fourth P10,000, sa  fifth P5,000, sa sixth P5,000, sa seventh P5,000 at eight P5,000.

Ang race-to-7 double elimination format ay suportado ni Jyre Dominic Obligacion sa pakikipagtulungan nina Games and Amusements Board, Edgar Acaba, Joel Estella Calzado at Ramon “Maestro” Mistica.

-Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …