Monday , November 18 2024
Quezon Killerwhale Swim Team Finis Short Course Swim

Quezon Killerwhale swim team humakot ng 31 medalya sa 2022 Finis Short Course Swim Series

NAGPARAMDAM  ng tikas at kahandaan ang Quezon Killerwhale Swim Team, sa pangunguna nina Hugh Antonio Parto, Marcus De Kam, Kristian Yugo Cabana at Fil-Briton Heather White, sa nahakot na 31 medalya tampok ang 15 ginto sa pagsisimula ng 2022 FINIS Short Course Swim Series-Luzon leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Tarlac.

Humirit ng tig-tatlong ginto ang 15-anyos na si Parto at kapwa elite swimmer ng koponan na si De Kam, habang nagwagi ng tig-dalawang event sina Cabana at ang Vietnam-based na si White laban sa tinaguriang ‘Water Beast’ at National junior record holder na si Michaela Jasmine Mojdeh sa pinakahihintay na duwelo sa torneo na itinataguyod at inorganisa ng FINIS Philippines.

Dinaig ni Parto sa boys 15-16 100-m Individual Medley sa tyempong 1:03.30 ang kasanggang sina Peter Dean (1:04.92) at Angelo Sadol ng Coach Agot Team (1:06.27), habang dinaig niya sa 100-m butterfly sa oras na 57.77 sina Timothy Capulong ng Tarlac (1:02.56) at si Sadol (1:02.96). Sa 50-meter backstroke, nanaig pa rin ang miyembro ng tinaguriang ‘Lucena Boys’ sa tyempong 29.55 segundo sina Tim Capulong (30.03) at Sadol (30.47).

“Loaded po yung training namin kay coach Virgil de Luna after last week’s SLP competition. Happy po dahil na-improved po ang lahat ng personal best time ko,” pahayag ni Parto, Grade 10 student sa La Salle-Lipa.

Sa  boys premier 17-18 class, nanguna si Kam na  pambato ng Calayan Educational Foundation sa 100-m IM sa bilis na 58.95 segundo laban sa mga kasanggang sina Yohan Cabana (1:01.49) at Ruben White (1:01.55), habang nanaig sa 100-m butterfly sa tyempong 56.87 kontra kina Ivan Radovan (57.66) at Miguel Thruelen (57.83). Kinuha niya ang ikatlong ginto sa 50-backstroke sa oras na 27.49 kontra kina Erick Abustan (27.96) at Yohan Cabana (28.21).

Naagaw naman ng 15-anyos na si White ang atensyon mula sa pamosong multi-title junior internationalist at Palarong Pambansa champion na si Mojdeh (1:03.66) sa kanilang duwelo sa premier girls 17-18 class matapos manaig sa 100-m butterfly sa tyempong 1:02.74.Pangatlo si Maria Barretto (1:07.64).

Sa ikalawang pagkakataon sa 100-m IM, naungusan ni White sa tyempong 1:07.16 ang local star na si Mojdeh (1:07.44). Nasungkit ni Barreto ang ikalawang bronze (1:10.35).

“I’m so excited having a swim off with Jasmine (Mojdeh). Swimming against the best is really a good experience. Hopefully I can make it at the podium in my other events,” sambit ng International School student sa Vietnam.

Nanaig naman si Cabana sa boys 11-12 100-m butterfly sa oras na 1:09.23 laban kina Daniel Ocampo (1:12.20) at Benjamin De Mesa (1:13.15), gayundin sa 100-m IM sa oras na 1:14.34 kontra kina Ocampo (1:15.58) at Matthew Lopez (1:17.55).

Ang iba pang Quezon Killerwhale gold medalists  ay sina John Neil Paderes sa boys 19-over 100-m IM (59.75), at 50-m backstroke (26.58),  Jules Mirandilla sa 100-m butterfly (56.13), Hannah White sa girls 9-10 IM (1:28.82), at 50-m backstroke (42.11).

“It’s big turnout, we’re happy with the results and we’re hoping ma-sustain namin ito,” pahayag ni coach Vince Garcia, FINIS Philippines Marketing Director.Ang iba pang mga gold medalists sa unang araw ng torneo ay sina Chelsea Borja sa girls 11-12 50-m back (37.59), Cassandra Barretto sa girls 13 50-m back (21.22), Trixie Ortiguerra sa girls 15 50-meter back (30.76); Benito De Mesa sa boys 7 50-m IM (2:12.16) Mishael Ajido sa boys 13 50-m IM (1:04.30).

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …