Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pistahan sa Mega 5-Cock Derby

Mga  sabungero nagpalista na sa “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby”

NAGPARESERBA na  ng kanilang mga slots ang mga nais lumahok sa nakatakdang “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” na gaganapin sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City simula Abril 21 hanggang sa Mayo 23.

Nangungunang nagpalista ang dating Las Vegas, U.S.A. singer na si Nico Fuentes na sa kasalukuyan ay nagbi-breed ng manok-panabong sa lalawigan ng Aklan, samantalang ang Fil-Am na si James Jamul ay magpapasok ng tig-isang entry sa Abril 25 at Mayo 16.

Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula bilang natatanging sponsor, P3 milyon piso ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. P1.7M ang championship prize.

Walong 2-cock eliminations ang nakalinya sa makasaysayang Roligon Mega Cockpit na itinayo ni Rolly Ligon noong taon 1988 kapalit ng dating Parañaque Cockpit Stadium o kilala din bilang 7-Up dahil nasa tabi ng pabrika ng nasabing softdrink.

Ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 21, 25 & 28 at Mayo 2, 5, 12, 16 at 19  ay may nakatayang P100,000 Day Champion Prize at 32” tv at Thunderbird Powervet products sa fastest winner sa ikalawang laban.

Karagdagan sa mga eliminasyon sa Roligon ay ang mga provincial elimination na gaganapin sa Zamboanga City (Manny Dalipe/Bobby Fernandez, Batangas (Kred Katigbak), Pangasinan (Osmond Lambino) at Tuba, Benguet/Baguio City (Tonyboy Tabora) at Albay (Jahn Gloria), na walang mga Day Champion Prizes o depende na sa mga partner-hosts kung lalagyan nila. Inaayos din ang eliminasyon sa Tagbilaran, Bohol at sa Morong, Rizal sa pakikipag-ugnayan kay Mayor Baba Yap at Kano Raya.

Kasama din sa mga early-birds na nagtala ng kanilang pagsali sa “Pistahan” sina Ramon Josue, Marruel Terrobias (SCAT JM Gamefarm), Kano Raya, Mike Mangana, Ken Cantero, Jun Consuelo, Ronald Aquino, Glenn Mars Gamefarm, Engr. Ernie Otaza (E.O. Agusan Fighters), Boyet Plaza at TJ Marques ng Texas Cockpit Arena.

Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maaring tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa telepono 02-519-7345; Shirley 0920-9509090 o Tiling 0926-7134069.  Maari rin magpalista sa Messenger ng Roligon Mega Cockpit FB Page.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …