Saturday , November 16 2024
Elections

Halalan 2022
3 BAYAN SA ZAMBALES IDINEKLARANG ‘AREAS OF IMMEDIATE CONCERN’

IDINEKLARA ang tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Zambales bilang ‘areas of immediate concern’ kaugnay sa papalapit na pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo.

Ayon kay P/Col. Fitz Macariola, Zambales PPO provincial director, ito ang mga bayan ng Botolan, San Felipe, at San Marcelino.

Tinukoy ni Macariola ang isang insidente ng harassment na naganap noong Hunyo 2017 kaya naisama ang bayan ng Botolan sa mga lugar na kanilang babantayan.

Samantala, ang pananambang sa dating alkaldeng si Carolyn Fariñas nong Setyembre ang dahilan ng pagkakabilang ng bayan ng San Felipe para bantayan.

Si Fariñas ay muling kumakandidatong alkalde sa darating na halalan sa 9 Mayo.

Idinagdag rin ang bayan ng San Marcelino sa ‘areas of concern’ dahil sa enkuwentrong naganap dito noong Agosto 2020.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …