Saturday , November 16 2024
Oil Price Hike

Dagdag presyo sa petrolyo humirit pa

MAGPAPATUPAD muli ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.

Sa abiso ng Total Philippines epektibo ito dakong 6:00 am, tataas ng P03.40 sentimos ang gasoline, at P08.65 sentimos sa diesel, habang ang Cleanfuel epektibo ng 8:00 am ipapatupad ang P03.40 sentimos sa kada litro ng gasolina at P08.65 sentimos ang itataas sa presyo ng diesel.

Nasa P09.40 sentimos ang dagdag ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ng Pilipinas Shell at Seaoil sa Kerosene habang ang Petrogazz, Cleanfuel at Total ay walang Kerosene.

Inaasahang mag-aanunsiyo ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang Petron Corporation at PTT at ilang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod umano ng pagalaw nito sa presyohan sa pangdaidigang pamilihan dahil sa hindi pa nareresolbang banggaan o alitan ng Ukraine at Russia.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …