TATLONG paslit, edad 3-5 anyos ang nalunod sa isang ilog sa Brgy. San Miguel, sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 28 Marso.
Kinilala ni P/Sgt. Noel Cunanan, imbestigador ng San Antonio MPS, ang mga biktimang sina Brietanya Alexa Ancho, 3 anyos; at kanyang mga pinsang sina John Andre Guania at Prince Nythan Ocol, kapwa 5 anyos.
Ayon kay Cunanan, huling nakitang buhay ang mga batang naglalaro sa pampang ng ilog na walang kasamang matanda dakong 2:00 pm, kahapon.
Pahayag ng mga nakasaksi, nakita ang mga katawan ng mga bata na palutang-lutang sa ilog ilang metro mula sa pampang.
Dinala ang mga biktima sa San Marcelino District Hospital sa kalapit na bayan ngunit idineklarang dead on arrival.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com