Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
vico sotto

2019 Panalo ni Vico Sotto pruwebang poll surveys may sablay

ANG panalo ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong 2019 ay magandang halimbawa na hindi palaging tama at maasahan ang mga election survey.

Mukhang patungo si incumbent mayor Robert Eusebio sa madaling panalo kay Sotto noon dahil palagi siyang una sa mga survey.

Isang linggo bago ang halalan, iniulat ng ilang survey firm na posibleng landslide ang panalo ni Eusebio dahil mayroon siyang 66 porsiyentong approval rating kompara sa 38 ni Sotto.

Landslide win nga ang nangyari, ngunit si Sotto ang lumitaw na nanalo matapos makuha ang 63 porsiyento o 209,370 boto, mas mataas ng 26 porsiyento kay Eusebio, na nakakuha lang ng 121,556 boto o 36.73 percent. Sa panalo ni Sotto, tinapos niya ang 27-taong pamamayagpag ng mga Eusebio sa Pasig.

Kamakailan, nagulat si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao sa resulta ng Pulse Asia survey mula 18 Pebrero hanggang 23 Pebrero na nabokya siya sa National Capital Region (NCR).

“Zero grabe,” ani  Pacquiao, na pumang-apat lang sa survey na mayroong walong porsiyento.

Sinabi ni Pacquiao na baka mas maraming tinanong ang Pulse Asia mula sa class A, B, at C, kompara sa mga botante mula sa class D at E.

“Sino kayang maniwala doon? Baka ‘yung mga mayayaman lang ang tinanong nila. Hindi nila tinanong ‘yung mahihirap na tao,” wika ni Pacquiao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …