Monday , December 23 2024
Leni Robredo Antonio Trillanes

Marino nasa puso ni VP Leni – Trillanes

IMBES mapaniwala sa fake news at sa social media posts, dapat makinig ang mga Marino sa mga sinasabi ni Vice President Leni Robredo tungkol sa maritime industry.

Ayon kay Senator Sonny Trillanes, dating opisyal ng Philippine Navy, ang mga sinabi ng bise presidente ay “aligned” sa “navigational map” ng industriya.

Binanggit ni Trillanes ang pahayag ni Robredo sa pulong kasama ang Filipino Shipping Associations na sinabi ng bise presidente, sinusuportahan niya ang gusto ng maritime industry.

Ani Trillanes, ang mga pahayag ni Robredo ay inaral ng mga lider sa industriya, mga eksperto, at mismong mga Marino.

“And they were the ones who gave the inputs,” aniya.

“Ito ay ayon na rin sa consultative style ni VP Leni sa pagpanday ng mahahalagang polisiya,” dagdag ni Trillanes na tumatakbo sa ilalim ng Robredo-Pangilinan team.

Ani Trillanes, gusto ni Robredo, ang mga eksperto ang mismong magtalaga ng tutunguhin ng industriya na kumakaharap ng matinding kompetisyon, mga bagong patakaran, at pagsubok.

“For me, her statement during her talk with leaders of the Filipino shipping industry is her official policy articulation, hindi ‘yung pineke sa TikTok or sa YouTube,” sabi ni Trillanes.

Sa kanyang talumpati, inilabas ni Robredo ang kanyang “Blue strategy” para sa ekonomiya na inilalagay ang mga Marino at lokal na maritime industry sa puso ng kanyang plataporma.

Tinitingnan ni Robredo ang bansa bilang isang umuusbong na puwersa sa maritime industry na naka-angkla sa modernisasyon at handang maglayag at makipagkompetensiya sa buong mundo.

Sinuportahan din ng bise presidente ang pag-upgrade ng mga impraestrukturang pandagat para mapaunlad ang “integrated intermodal logistics system” at upang makapagpadala ng mas maraming Philippine-flagged na barko sa karagatan.

Sa mga sumusunod niyang pahayag, muling binigyang-diin ni Robredo ang kanyang “Blue strategy” na makapag-produce ng mas maraming Pinoy na Marino na kikilalanin ng mga dayuhang shipping fleet.

Aniya, ang kanyang administrasyon ay mag-i-invest sa mas maraming kalipikadong Marino na siyang magbubukas ng kompetisyon at mataas na pasahod sa industriya.

Ayon kay Robredo, kapag ang Marino ay nakapagtapos o kalipikado para sa mas mataas na ranggo, hindi lang makatutulong sa pamilya kundi maging sa bansa.

“By far, she’s the only presidential candidate who had made it very clear that the seafaring industry – most especially the seafarer – would be one of her major economic pillars,” ayon kay Trillanes.

Aniya, hindi binastos ng bise presidente ang mga Marino nang magmungkahi ng bagong programa.

“Hindi tayo puwedeng malamangan ng mga seamen from Indonesia and India dahil mabilis na silang nakahahabol sa training,” ani Trillanes.

“The troll farm that deems this as belittling or disrespecting our Pinoy Marino may have never known a relative or a neighbor who worked in an international vessel,” dagdag ni Trillanes. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …