NANGUNGUNA si incumbent Vice Mayor Jimmy Lazatin ng San Fernando, Pampanga sa pagiging Mayor ng lungsod.
Ito ang naitala sa pre-campaign survey na isinagawa ng isang independent at non-partisan group na pinondohan ng mga lokal na negosyante sa probinsiya na magsagawa ng pag-aaral sa mga kandidato para sa darating na 9 Mayo.
Sinimulan ito noong Nobyembre hanggang Disyembre 2021, at nitong nakaraang buwan ng Enero at Pebrero 2022.
Nakitaan ng pirmis na kalamangan si Lazatin para sa pagka-Mayor ng San Fernando City sa pagkakatala ng 45.77 percent ng mga botante sa lungsod ay siya ang napipisil nilang maging alkalde.
Malayong pumapangalawa kay Lazatin si Board member Rosve Henson na may 23.46 percent. Si ABC President, na si Brgy. Captain Vilma Caluag ng Brgy. Dolores, ay tumakbong muli matapos matalo noong 2019 ngunit nakapagtala lamang ng 17.21 percent.
Ganoon din ang dating alkalde na si Oca Rodriguez, na may 14.73 percent.
Isa sa pinakaaabangan ay ang labanan sa pagka-Vice Mayor ng San Fernando sapagkat ang mahigpit na magkalaban na sina Councilor BJ Lagman at dating Councilor Noel Tulabut, ay laging tabla sa dalawang ginawang survey. Pangatlo si Councilor Ariel Carreon na may 18.65 percent.
Naiulat ng survey na 9.69 percent ng kabuuang 2,508 tinanong na mga botante ay wala pang napipiling iboboto.
Malaki ang naging epekto ng social media at naiparating nito ang mga isyu na gustong maresolba ng mga residente ng lungsod gaya ng mga ilegal na sugal.
Nakapagtala si Henson ng 18.97 percent sa huling survey nitong Pebrero samantala si Caluag ay may 23.48 percent na malayong abutin ang lamang sa kanila ni Lazatin na 45.77 percent at si Rodriguez ay bumaba pa sa 1.64 percent.
Ganoon pa rin ang laban sa Vice Mayor na mababakante ni Lazatin dahil halos tabla pa rin sina Lagman at Tulabut sa February survey.
Samantala, sa national level, ipinakita na si dating Senator Bongbong Marcos ang nakakuha ng mataas na porsiyento sa mga tinanong na mga botante na nakapagtala ng 50.60 percent.
At tulad ng inaasahan, magiging bise-presidente si presidential daughter at Davao Mayor Sarah Duterte na nakapagtala ng 35.63 percent kompara kay Sotto na may 24.35 percent at kay Pangilinan na 18.49 percent.