Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisyimentong ginawaran ng Safety Seal Certification.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Sec. Eduardo Año sa ginanap na awarding ceremony sa SM Mall of Asia noong nakaraang linggo.
Nakapaggawad ang QC ng 5,800 safety seal sa mga establisyimento na nagpapatunay na mahigpit nilang ipinapatupad ng minimum health protocols, at gumagamit ng contact tracing app ng QC, – ang KyusiPass.
Sa tulong din ng Safety Seal, mas tumaas ang kumpyansa ng mga kostumer na ang pupuntahan nila ay mahigpit na nagpapatupad ng health protocols kaya safe silang bumisita o kumain doon.
Ang awarding ceremony ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan at LGUs, kabilang sina Testing Czar Sec. Vince Dizon, Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Emmanuel R. Caintic, Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Irineo Vizmonte, DILG Usec. Jonathan Malaya,
SM Supermalls President Steven Tan, DILG-Quezon City Field Office Director Emmanuel Borromeo, at QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) chief Ma. Margarita Santos