Monday , November 18 2024
ALIF Party-list Bogs Violago

ALIF Party-list, Bogs Violago nagsanib-puwersa

NAGSANIB-PUWERSA ang ALIF Party-list at Bulacan vice-gubernatorial candidate Salvador “Bogs” Violago, para isulong ang tapat na pamamahala makaraang isagawa ang proclamation rally na ginanap sa Malolos City hall ground nitong Sabado.

Ang naturang rally ay dinalohan ng tinatayang 10,000 lider na nagmula sa 21 munisipyo at tatlong lungsod ng Bulacan. Nanumpa sila na puspusang ikakampanya ang tambalang ALIF – Bogs.

Ayon kay ALIF first nominee Rogelio Villangca, ang pagsasanib nila ng grupo ni Bogs Violago ay tinatayang makabubuo ng mas malapad na makinarya at malakas na kampanya para itaguyod ang mga batayang pangangailangan ng mamamayan.

“Magkatuwang kaming kikilos at isusulong ang common development agenda, upang makamit ang makabuluhang pagbabago para sa ordinaryong mamamayan sa lalawigan ng Bulacan, gayondin upang makapag-ambag sa pambansang ekonomiya,” saad ni Villangca.

Ipinangako ni Violago na kanyang susuriin ang pondo ng lalawigan upang tiyaking maayos ang paggamit nito, lalo’t higit sa usapin ng ayuda at tulong medikal.

“Bibili ako ng 24 mobile clinic para ilaan ito sa mga munisipyo at siyudad ng Bulacan at kapag may sakuna ay lagi nating ihahanda ang kaukulang pondo para sa disaster preparedness and mitigation,” saad niya.

Nasasaad sa Seksiyon 21 ng RA 10121 na dapat ilaan ng pamahalaang lokal ang may limang porsiyento (5%) ng kanyang regular revenue para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund upang tustusan ang mga aktibidad sa pamamahala sa panganib, sa kalamidad tulad ng pre-disaster preparedness programs kabilang ang pagsasanay at pagbili ng mga kagamitan sa pagsagip at pagliligtas ng buhay.

Mababatid na tuwing nagkakaroon ng malakas na bagyo ay palaging apektado ng pagbaha ang mga bayan ng Paombong, Hagonoy, Guiguinto, Balagtas at Marilao.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Carl Balita Plataporma

Willie gustong usisain ni Dr Carl plataporma sa pagtakbo bilang senador

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG makabuluhang programa ang sisimulan ni Dr Carl Balita ngayong Biyernes, ang Plataporma na …

Donald Trump Kamala Harris

2024 US election results  
TRUMP WAGI vs KAMALA

TINALO ni Donald Trump si Kamala Harris upang maging ika-47 Presidente ng Estados Unidos — …