Monday , December 23 2024
Cavite

Tatak ng politiko sa DSWD ayuda forms sa Cavite, kinuwestiyon

KINUWESTIYON ng netizens kung bakit nakalagay ang pangalan ng ilang politiko sa Ayuda form ng DSWD.

Base sa mga Facebook post ng ilang mga residente ng mga lungsod at bayan na kabilang sa Unang Distrito ng Cavite, nagtaka sila sa umano’y nakakabit na forms sa mga application para sa ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa mga report, ang mga opisyal na papeles para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ay may tatak ng logo ng isang partylist group at ng ilang lokal na kumakandidato.

Kasama rito ang membership form para sa Agimat Partylist, Jolo Cares, Ricafrente at isa pang form para sa ‘precinct number,’ na nakadagdag sa pagkalito ng mga nais mabigyan ng ayuda.

Nabatid, ang AICS ng DSWD sa Cavite ay maaaring umabot P400 milyon. Ang naturang forms ay magpapaabot ng P2,000 sa mga kalipikadong residente.

Dahil sa logo ng mga grupong nakatatak sa mga papeles, nagkaroon din ng hinala na maaaring gamitin sa darating na halalan ang kanilang aplikasyon sa DSWD.

Sa posts sa social media accounts, unang napansin ang ibang forms sa bayan ng Rosario at kasunod nito ay nabunyag na may mga kumalat din sa mga bayan ng Noveleta, Kawit, at Cavite City.

Marami rin sa mga komento ay ang pagmamadali ng isang bigating politiko na maipamudmod agad ang ayuda, lalo sa mga nabanggit na lungsod at bayan sa Cavite.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …