Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Leni Robredo Josh Bimby

Nobody can stop me, I have to fight for her — Kris kay VP Leni

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilan ang Queen of All Media na si Kris Aquino na magtungo ng Tarlac para sa people’s rally nina presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate senator Kiko Pangilinan noong Miyerkoles, March 23. Kasama ni Kris na nagpakita ng suporta sa Leni-Kiko tandem ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Alam naman ng lahat na may iniindang karamdaman si Kris pero hindi siya napigilang magtungo ng Tarlac para ipakita ang kanyang suporta sa sinusupotahang kandidato sa magaganap na halalan sa Mayo 2022.

“I only found out yesterday na sa Tarlac pala ang rally ni VP Leni, so sabi ko, I’m going and nobody can stop me,” giit ni Kris.

Sa pag-akyat ni Kris sa entablado, hinila nito ang aktres na si Angel Locsin na bagamat laging present sa mga rally ni VP Leni, hindi ito umaakyat. Kaya nga nagkomento ito ng, “Bihira lang po ako aakyat sa stage kasi hindi naman po ako talaga sanay umakyat sa stage kahit artista ako, mas gusto ko kasama ko po kayo sa crowd.

“Kaya po ako lumabas dito dahil naniniwala po talaga ako kay VP Leni… kahit na anong ibato ninyo sa kanya, sabihin na natin lahat ng intriga, lahat fake news pero walang makaka-deny na sa lahat ng bagyo, sakuna, pandemya, hindi nila tayo pinabayaan,” sigaw ni Angel.

Sa kabilang banda, may ibinahagi naman si Kris ukol sa isang sulat na nakita niya mula sa kanyang kapatid at dating Presidente na si Noynoy Aquino. Ang sulat ay para kay VP Leni.

“I will reveal a secret because alam n’yo naman ako, madaldal. Noong namatay po si Noy, may sulat akong nabasa na in-address niya kay VP Leni. I will not reveal kung ano ang ibang laman niyon dahil confidential na ‘yon pero mayroong isang paragraph na talagang tumama sa puso ko.

“Sinabi ni Noy, sa lahat, meaning parang sinasabi niya sa lahat ng kapartido, ‘Sa ’yo ko nakikita na iisa ang pananaw, iisang ang vision.’” 

“In other words sinabi ni Noy na, ‘Sa ‘yo ko nakikita ‘yung sincerity at ‘yung ability na unahin ang iba bago ang sarili.’”

Dahil dito nasabi ni Kris sa sarili na kailangang niyang manindigan para kay VP Leni.

“Alam n’yo po, noong nabasa ko ‘yon, sinabi ko sa sarili ko, ‘You have to fight for her dahil sa kanya bilib si Noy’”, sambit pa ng akres/tv host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …