Tuesday , November 19 2024
Leni Robredo Monsour del Rosario Ping Lacson

Monsour nagpahayag ng suporta kay VP Leni; Pagbibitiw ni Sen Ping iginagalang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“IGINAGALANG ko ang desisyon ni Sen. Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma.” Ito ang inihayag ni Monsour del Rosario kasunod ng pagbibitiw ni Presidential candidate Sen. Ping Lacson bilang chairman at miyembro ng Partido ng Demokratikong Reporma.

Ani Monsour, “Siya (Sen. Ping) ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taospusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Filipino. Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang.”

At tulad ni Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, na nagpasyang mag-endoso ng ibang presidential candidate, ineendoso ni senatorial candidate Monsour si VP Leni Robredo. 

“Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. 

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Filipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.”

Sinabi pa ni Monsour na, “dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Filipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan. Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.”

Tuloy pa rin ang pagtakbo ni Monsour bilang senador sa ilalim ng Partido Reporma.

“Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: ‘Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan.’

“At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa,” giit pa ng aktor/politiko.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …