Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Melissa Mendez Joel Lamangan

Melissa Mendez, bilib sa husay ni Direk Joel Lamangan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG veteran actress na si Melissa Mendez ay bahagi ng pelikulang Biyak na tinatampukan nina Angelica Cervantes, Albie Casiño, Quinn Carrillo, at Vance Larena.

Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, kasama rin sa pelikula sina Jim Pebanco at Maureen Mauricio.

Ito’y pinamamahalaan ng award-winning direktor na si Joel Lamangan at sa panulat ni Troy Espiritu. Ayon kay Ms. Melissa, twenty years na raw yata nang huli niyang nakatrabaho si Direk Joel.

Inusisa namin ang role niya sa Biyak?

Lahad ng aktres, “Ako si Dina, ang asawa ni Tony (Jim) na battered housewife at nanay ni Violet (Angelica).”

“Matagal ko nang hindi nakakasama si Direk Joel, kaya talagang excited na excited ako na nandito ako ngayon at kasama ko ang one of the best directors natin ngayon.”

Bakit bihira siyang gumawa ng pelikula ngayon?

Esplika ni Ms. Melissa, “Lately, puro TV ang pinagkaka-abalahan ko. Mas doon ako nalinya.

“Pero actually may ginawa ako sa Regal na pelikula ngayon, ang title ay Cheat Day… Ito ay directed by Joey Reyes, na ang bida ay sina Alexa Miro at Derrick Monasterio.”

Dito’y nabanggit din ng aktres na si Direk Joel ay isang mahusay na director at talagang focus pagdating sa trabaho.

Aniya, “Mahusay na director si direk Joel. Masaya siyang kasama, pero pagdating sa trabaho, kailangan na ready for take ka na kapag dumating sa set.”

Ano ang masasabi niyang sikreto ng kanyang longevity sa mundo ng showbiz?

“Professionalism, husay, at maging magaang kasama ng cast, crew at staff,” matipid na wika pa ni Ms. Melissa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …