Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Kokoy de Santos Leni Robredo Kiko Pangilinan

Elijah at Kokoy suportado ang Leni-Kiko tandem

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PROUD Kakampinks ang The IdeaFirst Company artists na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos! Kabilang sila sa celebrities na nagbigay ng suporta at present sa PasigLaban campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na ginanap noong March 20 sa Emerald Avenue, Ortigas, Pasig City. Kandidato sa pagka-Presidente at Vice President sina Leni at Kiko respectively sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.

Nakasama nina Elijah at Kokoy sa campaign rally ang iba pang Kakampinks celebrities na sina Angel Locsin, Julia Barretto, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Donny Pangilinan, Janine Gutierrez, Jake Ejercito, Iana Bernardez, Adrian Lindayag, Miles Ocampo, at marami pang iba.

Sumampa pa stage at humarap sina Elijah at Kokoy sa mahigit 130,000 katao para ihayag ang kanilang suporta para kina Leni at Kiko.

Nag-post pa sa Twitter si Kokoy ng selfie niya with Elijah na naka-background ang libo-libong Kakampinks crowd. Ayon sa caption ni Kokoy na naka-tag pa si Elijah, “Laban (with heart and pink flower).”

Comment naman ni Elijah, “di na kailangan mag angat t shirt! siguradong angat buhay lahat kay #LeniKiko2022!”

Na-proud naman ang fans nina Elijah at Kokoy sa paninindigang ginawa ng kanilang mga idolo.

Maging ang mga manager at boss nina Elijah at Kokoy sa The IdeaFirst Company na sina Direk Jun Robles Lanaat Direk Perci Intalan ay hayagan din ang pagiging Kakampinks. Makikita nga sa kanilang social media accounts ang aerial view ng dami ng mga taong dumalo at sumuporta sa Pasig campaign rally nina Leni at Kiko.

Samantala, espesyal naman para kina Elijah at Kokoy ang Emerald Avenue, na pinagdausan ng campaign rally, dahil sa naturang lugar din naganap at shinoot ang importanteng eksena nila sa kanilang pinagbidahang season one ng hit Pinoy BL series nilang Gameboys. Sa Emerald Avenue naganap ang face-to-face meet up ng mga karakter nila sa serye matapos ang kanilang matagal na online communication dahil sa pandemya. Roon din naganap ang kanilang first pandemic hug at kiss na may plastic na nakapagitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …