Sunday , December 22 2024

Rica iginiit rally ni Leni dinagsa ‘di dahil sa free concert

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UMALMA si Rica Peralejo sa mga netizen na nagsasabing kaya tinatao ang campaign rally nina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan ay dahil sa mga free concert.

Sa kanyang Instagram account idinaan ni Rica ang pagbasag sa paniniwala ng iba. Ipinost niya noong March 20 ang mga litrato niya gayundin ng iba pang personalidad tulad nina Jolina Magdangal at Nikki Valdez.

Aniya, “Ang rally ni Mam talaga ay parang isang malaking reunion. Hindi ito magulo, marahas, o mapanira. Mapagmahal lang talaga at radikal.

“Ang saya talaga ng feeling pag andun ka, parang isa kasing malaking party! Ang mga rally din ni Mam ay puno ng artists, creatives, students, and many many more. At yes, hindi kami bayad,” giit sa caption ni Rica.

Isa si Rica sa mga kilalang celebrities na certified Kakampink. Katunayan talagang nag-effort siya para personal na makiisa sa proclamation rally ng kanyang kandidato sa Cesar C. Climaco Freedom Park, sa Zamboanga City, noong March 17.

At dahil lantad ang pag-eendoso ni Rica kay VP Leni, hindi siya tinatantanan ng mga basher, kabilang na ang mga supporter ni dating Senador Bongbong Marcos.

Inalmahan din ni Rica ang komentong hindi si VP Leni ang pinupuntahan ng mga tao sa rally kundi ang mga celebrity na nagko-concert. 

“May nagsasabing concert lang naman talaga ipinupunta ng tao sa rally at kung totoo man yun EH ANO NGAYON?

“Eh kaya nga nangangampanya para makakumbinsi ng di pa desido. Maigi ng makahikayat ng marami pang tao. Sa huli, if ito ang rason ng pumunta, panalo pa rin kami!” ani Rica.

Kaya ito nalang ang masasabi ko: di pa nananalo si mam sa lagay na ito eh, nag uumapaw na ang volunteers.

Sa totoo lang ang problema na ngayon sa mga rallies ay paano paiksiin ang programa kasi pag isinama lahat ng influential people na gusto magendorse kay mam eh baka overnight na tayo abutin.

“So ayun, isipin nyo nalang yung implication na kapag siya ang nanalo, gaano karami pang taong kikilos para tulungan ang mga proyekto at adhikain ni mam diba?

“Ganun kasi siya. She has the gift not only of gathering people, but of mobilizing them. She able to put the right people together and also set things in motion. She is the true movement — a diverse set of people groups coming together to support her cause,” paliwanag pa ni Rica.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …