TINANGGAP ng mga tauhan ng Angeles Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Clark, Pampanga ang pagdating ng 12 Filipino seafarer mula Ukraine.
Ang mga Filipino seafarer ay mga tripulante ng MV Filia Joy at MV Filia Glory.
Ang grupo ng mga Pinoy Seafarers ay matagumpay na nailikas mula sa kanilang mga barko sa harap ng nagpapatuloy na sigalot ng Ukraine at Russia.
Dahil sa pagsisikap ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau, Moldova, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Budapest, ligtas na nakauwi ang mga Pinoy seamen sa bansa. (GINA GARCIA)