Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Javier

Sarah Javier kaliwa’t kanan ang projects, endorser ng Hygeia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin last week si Sarah Javier at nalaman namin na may tinatapos siyang single ngayon.

Kuwento ni Ms. Sarah, “Abangan po ninyo tito, may tinatapos po akong single ngayon and sana po magawa at matapos ko na po ito very soon.”

Last week ay nag-guest siya sa Letters and Music ng Net25. Bukod sa pagiging singer at composer, isa rin siyang aktres. In fact, mapapanood siya sa pelikulang Ang Bangkay na tinatampukan ng aktor/direktor na si Atty. Vince Tañada.

Nagpapasalamat si Ms. Sarah na napagsasabay niyang gawin ang mga bagay na malapit sa kanyang puso.

Aniya, “Nakakataba po ng puso tito na nagagawa ko pong pagsabayin ang parehong malapit po sa puso ko, ang pagkanta at pag-arte po sa showbiz.”

Pero kung papipiliin siya, ano ang mas magiging priority niya, ang singing or acting?

Tumawa muna siya bago sumagot, “Hahaha! Puwede both? Pareho ko kasing mahal, eh.”

Esplika pa ni Ms. Sarah, “Masaya ako kapag kumakanta at nakakapagbigay saya po sa mga taong hinahandugan ko. Sa pag-arte naman po, kasiyahan ko rin na naipapamalas ko po ang ibang character.

“Wala po akong maitulak kabigin lalo’t parehas ko pong pinagbubutihan sa anuman pong larangan. Pangarap ko po ito pareho.”

Nabanggit din ni Ms. Sarah ang pagiging endorser niya ng Hygeia Beauty and Wellness Corporation.

Pahayag niya, “Yes po, kaka-launch lang po namin ng Hygeia, it’s all about wellness and beauty. Marami po kaming mga supplements na talagang kailangan po ng ating mga katawan lalo na sa panahon ngayon.

“Marami po kaming mga products na talagang kapaki-pakinabang. Kaya sa mga gusto pong mag-try at maging family po namin sa Hygeia, please do contact me po.”

Ano ang reaction niya sa mga blessings na ito?

“Siyempre tito as always po, lagi po akong thankful sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob po sa akin ng ating Panginoon. Walang hanggang pasasalamat po sa Panginoon at sa mga taong patuloy na sumusuporta po sa akin,” masayang sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …