Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ang Probinsyano Party-List Feat

Probinsyano Party-List suportado ang subsidy para sa mga sektor na apektado ng oil price hikes

SUPORTADO ng Probinsyano Party-List ang government subsidy para sa mga sektor na apektado ng oil price hikes.

Nagpahayag ng pagsuporta ang Ang Probinsyano Party-List sa pamimigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Nakikiisa kami sa mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto sa ating mga kababayan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na posibleng makaapekto sa pasahe at sa presyo ng mga pangunahing bilihin,” pahayag ni Ang Probinsyano Party-List Rep. Alfred Delos Santos.

Tinutukoy ni Delos Santos ang paglabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P3 bilyon upang matulungan ang mga public utility vehicle (PUV) drivers, magsasaka, at mangingisda sa gitna ng pagbulusok ng oil prices dahil sa alitan ng Russia at Ukraine.

Inilabas ni Delos Santos ang pahayag kasunod ng muling pamimigay ng tulong ng kanilang party-list ngayong linggo sa Kabisayaan.

May 539 mahihirap na residente ng Compostela, Ginatilan, at Naga City sa Cebu at Siquijor ang pinagkalooban ng ayuda ng Ang Probinsyano Party-List upang tulungan silang makaraos mula sa panibagong hamon na dulot ng oil price hike habang bumabangon mula sa pandemya.

Kabilang sa mga benepisaryo ang mga tricycle, habal-habal at multicab drivers, magsasaka, mangingisda, mga nawalan ng trabaho, ilang kabataan at senior citizens.

Samantala, namahagi rin ng educational assistance ang Ang Probinsyano Party-List sa 458 high school at college students sa mga bayan ng Sibonga at Minglanilla sa Cebu, at sa Loboc, Bohol.

Malugod na tinanggap ng mga lokal na opisyal sa mga nasabing lugar ang pagtulong ng Ang Probinsyano Party-List sa kanilang mga nasasakupan. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …