PERSONAL na tinungo ni Senator and Chair of the Senate Committee on Health Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), Davao City nitong 14 Marso na kaniyang ipinuntong inilaan para sa mahihirap ang nasabing center.
Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019. Ang center na one-stop shop na kinaroroonan ng concerned agencies na Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office, para maserbisyohan ang mahihirap at indigent patients ng medical assistance mula sa gobyerno.
“Handa kayong tulungan ng Malasakit Center…para ito sa mahihirap — sa mga poor and indigent patients… walang pili ito. Basta Filipino ka, qualified ka sa Malasakit Center. Bakit natin papahirapan ang kapwa natin Filipino? Pera ninyo ‘yan, inyo ‘yan, dapat ibalik sa inyo ang serbisyo sa mabilis, maayos at maginhawang paraan — ‘yan po ang Malasakit Center,” pagpupunto ni Go.
Sa kasalukuyan, may 151 Malasakit Centers ang tumutulong sa mahigit tatlong milyong pasyenteng Filipino sa buong bansa.
“Mayroon nang na-download na (pondo para sa) medical assistance for indigent patients (mula sa Office of the President). So wala na pong dahilan na hindi kayo matulungan dito sa ospital ng SPMC,” pagtitiyak ni Go.
Sinaksihan din ni Go ang ceremonial turnover ng financial assistance na P450 milyon mula sa Office of the President para sa improvement ng SPMC’s services at equipment.
Ang halagang P150 milyon ay inilaan sa medical services at katulungan sa mahihirap gayundin ang ma-prioritize ang pangangailangan ng underprivileged, sick, elderly, disabled persons, women and children. Samantala, ang P300 milyon ay gagamitin naman sa pagbili ng mga kinauukulang medical equipment, mobile blood vehicles, at iba pang kagamitan.
Batid ni Go, ang mga hamon na kinakaharap ng maraming pampublikong pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan dahil sa kakulangan ng mga resources na balakid para maibigay ng health workers ang pangangailangan ng mga pasyente. Kaya naman, muling ipinunto ni Go ang kaniyang pangako na ipagpapatuloy ang pagsuporta at mapaghusay ang SPMC at iba pang public hospital sa buong bansa.
Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance ay isinulong kamakailan ni Go ang pangangailangang pondo para sa construction ng 300-bed capacity Infectious Diseases Building sa loob ng SPMC na nagkakahalaga ng P400 milyon sa 2021 National Budget.
Bunsod nito, nanawagan si Go sa mga susunod na leaders ng ating bansa na ipagpatuloy ang pagtulong at pagpapalawig ng iba’t ibang programang pinasimulan ng Duterte administration partikular ang layuning improvement access para sa government health services, lalo ang Malasakit Centers program.
“Ang importante po rito, sana sa mga susunod na admin, ay mabigyan nila ng priority at support ito dahil ‘yan naman ang ipinakiusap namin — ang magagandang programa na nakakatulong sa mahihirap ay maipagpatuloy at mapalakas pa,” saad ni Go.
“Palaguin n’yo, pagandahin n’yo pa. Kung ano ang pagkukulang, padamihin n’yo pa dahil para po ito sa poor and indigent patients. Importante po rito ‘yung support po para sa Malasakit Center, sana po ay ipagpatuloy po,” apela ng Senador.
Pinapurihan ni Go ang medical frontliners ng SPMC hinggil sa kanilang sigasig sa pagtatrabaho at pagsasakripisyo lalo nitong global health crisis. Kaugnay sa pangakong suporta sa health workers nationwide ay inakdaan at co-sponsored si Go sa pagkakalikha ng Senate Bill No. 2421, na magkakaloob ng benefits at allowances sa public at private health workers sa panahon ng public health emergency.
Samantala, si Go at kaniyang koponan ay namahagi ng grocery packs, meals, masks at vitamins sa 800 patients at 5,900 frontliners ng SPMC. Namahagi rin ang Senador ng bagong pares ng sapatos at bisikleta sa ilang piling individual at computer tablets sa iba para sa kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak.
“Kami ni Presidente (Rodrigo) Duterte, nandito lang kami na inyong kapitbahay na handang magserbisyo. Mahal namin kayong lahat. Mga taga-Davao, na-miss namin kayo,” pahayag ni Go.
“Patuloy kaming magseserbisyo sa inyo dahil kami po ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” pagtatapos ni Go.
Sa hiwalay na pamamahagi, ang mga kinatawan ng DSWD ay nagkaloob ng financial assistance sa mga pasyente at 1,537 rank-and-file hospital employees.
Ilang government officials at hospital executives ang dumalo sa nasabing event kabilang sina Senator Joel Villanueva na co-author din ng Malasakit Centers Act, Office of the President Director Rodrigo Giducos, DOH Director Girlie Veloso, at SPMC Chief Dr. Ricardo Audan.