Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Bongbong Marcos

Leni angat kay Bongbong sa hanay ng hindi na-survey

TALIWAS sa resulta ng mga nalathalang survey, angat si Vice President Leni Robredo sa katunggaling si Ferdinand Marcos, Jr., batay sa resulta ng independent study sa mga Pinoy hindi pa nakaranas ma-survey para sa darating na halalan.

Kinuha ng Brand-Y Research and Market Intelligence ang 1,200 Filipino na hindi pa nakaranas ma-survey bilang kalahok sa pag-aaral na ginawa mula 16-28 Pebrero 2022.

Sa nasabing pag-aaral, tinanong ang mga kalahok sa pamamagitan ng online questionnaire kung sino ang kanilang iboboto bilang Pangulo at Bise Presidente sa halalan sa Mayo.

Ginamit ng pag-aaral ang tinatawag na psychographic identifier para sa mga kalahok: Medyo Hirap Pa Sa Buhay (SEC DE), Ok Naman Hindi Mahirap Hindi Mayaman (SEC C), at Komportable At Nakaka-Angat-Angat Na Ang Pamilya (SEC AB).

Batay sa kabuuang resulta ng pag-aaral, makukuha ni Robredo ang 53 porsiyento ng kabuuang boto habang si Marcos ay mayroon lang 37 porsiyento pagdating ng halalan.

Gaya nang ipinapakita ng mga survey, si Marcos ang napili ng 52 porsiyento ng SEC DE o mayorya ng populasyon (58 porsiyento) habang si Robredo ay mayroon lang 36 porsiyento, na malaki ang angat sa 16-20 porsiyento na nakuha niya sa mga nakaraang survey.

Ngunit si Robredo naman ang lamang sa SEC AB (1 porsiyento ng populasyon) at C (41 porsiyento ng populasyon) na may 96 porsiyento at 76.8 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Maaaring tumaas pa ang numero ni Robredo sa hanay ng SEC DE dahil marami sa kanila ang posibleng magbago ng isip pagsapit ng halalan.

Bukod rito, nanguna si Robredo sa Google Trends mula 5 Pebrero hanggang 2 Marso 2022 na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at Robredo” at mula sa positive engagements, malayo sa score ni Marcos na 79.

Tagumpay ang Google Trends sa pagdetermina sa resulta ng halalan sa United States, Greece, Spain, Germany at Brazil.

Nakakuha rin si Robredo ng limang puntos na kalamangan kay Marcos ngayong buwan pagdating sa Facebook engagement score, na sumusukat sa potensiyal na maging botante ng partikular na kandidato ang isang tao. Si Robredo ay mayroong 8 milyong engagements kompara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali.

Tumatakbo si Robredo sa plataporma ng “Oplan Angat Agad” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon.

Nais matiyak ni Robredo na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay.

Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si Robredo ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Filipino. Nais ni Robredo na bigyan ng edukasyong may kalidad ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …