Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas

Christine sunod-sunod ang pelikula kahit pandemic

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Christine Bermas na suwerte sa kanya ang pandemic. Simula kasi nang nagka-pandemic doon dumating ang maraming opportunities sa kanya tulad ng sunod-sunod na paggawa ng pelikula sa Viva Films.

Unang napanood si Christine sa pelikulang Silab noong 2021 na nasundan ng Siklo, Sisid at nitong March 18, kakapalabas pa lang ng kanyang Moonlight Butterfly kasama sina Kit Thompson at Albie Casino na idinirehe ni Joel Lamangan.

At sa April 1, isang pelikula muli ni Christine ang mapapanood, ang Island of Desire sa VivaMax kasama sina Jela Cuenca, Rash Flores, at  Sean de Guzman. Idinirehe muli ito ng batikang direktor na si Lamangan. 1.

“The pandemic turned out to be lucky for me kasi rito nag-start ‘yung career ko at nagsunod-sunod ang projects ko habang ‘yung iba walang trabaho,” pag-amin ni Christine.

“At suwerte ko ring my movies are mostly with Direk Joel Lamangan. I started with him and ang dami ko talagang natutuhan sa kanya about my craft,” sambit pa ng sexy star.

Ani Christine, matindi ang story ng bago nilang pelikula dahil ito ay may mystery, may kababalaghan. “I’m just thankful na hindi ito sobrang sexy. Mas focused ito sa kakaibang story. Very challenging ang buong movie for me kasi sa character ko umikot ang buong story,” aniya.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ni Martha (Christine), na na-assign magtrabaho sa malayong lugar ng Isla Bato. Magiging nurse siya sa Regional Health office ng isla, at makakakilala ng mga bagong kaibigan — si Tess (Jela), midwife sa isla, at si Leloy (Sean), isang habal rider. Dahil laging magkasama, mapapalapit ang loob ni Leloy kay Martha at tuluyang mahuhulog sa isa’t isa.

Sa pananatili ni Martha sa isla, ay siya ring pagdiskubre niya ng mga sikreto nito, isa na rito ang kulto na maraming tagasunod at may mapagsamantalang lider. Makikita rin ni Martha ang kapatid niyang matagal nang nawawala, na bibigyan siya ng babala at paaalisin siya sa isla habang kaya pa niya.

Ang Island of Desire ay isinulat ni Troy Espiritu at mapapanood na sa Vivamax simula April 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …