Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Janno Gibbs

Ping may gustong ibuking kay Janno

ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW ang pagbibigay-mensahe ni presidential candidate Ping Lacson sa BTS: President Gibbs Headquarters’ video na ginawa nina Janno Gibbs at Leo Martinez na nagbigay sila ng cryptic message ukol sa isang presidentiable.

Sa video gumaganap na President Gibbs at Congressman Manik Manaog ang dalawa na sinasabi ng huli kung gaano ka-imcompetent ng una. Ibinahagi ito ni Janno sa kanyang Instagram account at doon nag-iwan ng komento si Sen. Ping. 

Ani Sen. Ping, “Mention ko na ba kung sino?” Na agad namang sinagot ni Janno ng, “Wag po!!!”

Tinulungan pang mag-promote si Janno ng senador at nilagyan iyon ng caption na, “Konting comedy muna tungkol sa kampanya.” 

Samantalaaliw din ang kuwentuhan nina Iwa Moto at Ciara Sotto patungkol kay Ping. Ito ay bahagi ng  Thumbs Up or Down challenge.

Natanong si Ping kung nahuli na ba siya sa paglabag sa batas trapiko. Aminado naman ang presidentiable na guilty siya sa aspetong ito kaya thumbs up ang kanyang isinagot.

Anito, naikuwento rin sa kanya na nahuli rin sa traffic violation ang kaalyadong si Tito Sotto.

Inamin din ni Ping na nasangkot na rin siya sa rambulan noong kanyang kabataan.

Ibinahagi rin niyang nakapag-cross dress siya o nakapagdamit-pambabae noong nasa PMA.

Sila ng ka-batchmate na si Gringo Honasan ang madalas na nauudyukan na sumali sa ganitong mga event o rampahan noong nasa akademya sila.

Ibinida rin ng senador na tumatakbo sa pampanguluhan na nakaranas na siya ng matinding sports injury. Ito iyong noong naging boksingero siya sa PMA na nang minsang maglaro ay napuruhan.  At ahil sa injury, na-technical know out siya.

Iginiit pa ni Ping na never siyang sumubok ng ilegal na droga lalo pa’t naging crime buster siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …