Saturday , April 5 2025
Quezon City QC One Planet City Challenge

QC finalist sa One Planet City Challenge

FINALIST ang Quezon City (QC) sa One Planet City Challenge (OPCC) ng World Wide Fund for Nature (WWF), isang global competition na kumikilala sa mga lungsod para sa kanilang climate change action at ambition.

Dalawang siyudad pa sa bansa ang nakasama ng QC sa nasabing competition, ang Davao City at Dipolog City, na napili ng WWF sa 16 siyudad na sumali sa timpalak.

Ang One Planet City Challenge ay isang “friendly global competition” sa inisiyatiba ng WWF na kilalanin ang mga city o siyudad na gumagawa ng mga programa at polisiya ukol sa climate change na kaakibat sa Paris Agreement.

Ayon sa United Nations Environment Programme, ang pagbabago ng klima o climate change ay tunay na nakaaapekto sa lahat ng buhay ng mga naninirahan sa mga siyudad.

Ang pagtaas ng temperatura halimbawa, ay nagdudulot ng pagtaas ng tubig dagat, na maaaring lumikha ng pagbaha, bagyo at maging tagtuyot.

Kasama na rito ang pagsulpot ng mga vector-borne at water-borne diseases. Ang mga karamdaman na ito ay maaaring makaapekto sa populasyon.

Ang mga siyudad ang malaking nakapagdudulot ng climate change, dahil ang mga kaganapan sa urban areas ang pinanggagalingan greenhouse gas emissions.

Ito ay tinatayang nasa 75% ng global CO2 emission, sanhi ito ng mga aktibidad sa siyudad kasama na ang transportasyon at mga itinatayong mga gusali.

Kaya naman, ang ibang siyudad ay nagsusumikap at gumagawa ng paraan para maibsan ang problema sa climate change, gaya ng paggamit ng renewable energy, paglalatag ng mga regulasyon na naglilimita sa mga industrial emissions at mga batas na makapagbibigay proteksiyon sa kapaligiran.

Ikinagalak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang pagkakasali bilang finalist ng kanyang siyudad at itinuring na itong isang malaking karangalan at pagkilala para sa lungsod.

“Proud po tayo na mapabilang sa ganitong patimpalak na kumikilala sa LGUs ng Filipinas at kinikilala ang mga ginagawa nating mga programa para sa pangangalaga ng ating kapaligiran at kalikasan,” ani Belmonte.

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …