Saturday , November 16 2024
Leni Robredo

Para sa bansa
NETIZENS BILIB SA MALINAW NA PLANO NI LENI ROBREDO

BILIB ang netizens kay Vice President Leni Robredo sa paglalatag ng malinaw, komprehensibo, at nakabatay sa datos na mga plano para sa bansa at para sa pagbangon ng mga sektor na naapektohan ng pandemya sa unang presidential debate na ikinasa ng Commission on Elections.

Pinuri ng netizens, mga artista, at maging mga kaalyado gaya ni dating Senador Antonio Trillanes ang posisyon ni Robredo ukol sa pagbangon ng ekonomiya kung saan nais niyang magbigay ng P100 bilyong stimulus package para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

“Congrats, Madame President @lenirobredo, for another impressive performance,” tweet ni Trillanes, na tumatakbo bilang senador sa ticket ni Robredo.

“It is all about the resibo talaga – literally and figuratively,” tweet naman ng aktor na si Richard Juan.

               “VP Leni knows that a science-based approach is the best strategy to combat any imminent covid surge. Romp off the vaccination rates in the Philippines. The 1-2-3 Punch – Testing,Tracing and Treatment. More access to testing; improved tracing and hospital capacity,” komento ng netizen na si DeusXMachina (@DeusXMachina14).

“When Leni Robredo opened her answer with the line, “Ayon sa datos…”  YES VEBS BACKED BY RESEARCH AND DATA ‘YAN HINDI HULA LANG.  KEEP THEM COMING, MADAM!” tweet naman ni vane (@vaneillaxxx).

Umani rin ng papuri ang closing statement ni Robredo kung saan binigyang diin niya na ang totoong lider ay nagpapakita, tila pasaring sa hindi pagsipot sa debate ng isa sa katunggali na si Ferdinand Marcos, Jr.

“‘True leaders show up and man up.’ Ouch,” tweet ni dating Supreme Court spokesperson Ted Te.

“A true leader shows up,” tweet naman ni Dr. Gia Sison.

“‘Wag na nating hanapin ang ayaw humarap sa atin. True leaders show up and man up. Kaya sa darating na Mayo, the best man for the job is a woman.” – Leni Robredo. NOW THAT’S HOW YOU CLOSE THE SHOW!” komento ni Mac Dionisio.

“Grabe that last statement from VP Leni Robredo. That was not just powerful but too much hope. Hope for the country & for everyone. The best and the last man standing this 2022 elections, is still a woman. Abante babae!” sabi ni Mark Geronimo (@markgeronimo_)

Naging No. 1 trending topic naman ang hashtag #KayLeniNaTayo sa bansa at No. 2 worldwide noong Linggo na mayroong 100,000 tweets.

Dinomina kamakailan ni Robredo ang Google Trends mula 5 Pebrero hanggang 2 Marso 2022 na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at Robredo” at mula sa positive engagements, malayo sa score ni Marcos na 79.

Tagumpay ang Google Trends sa pagdetermina sa resulta ng halalan sa United States, Greece, Spain, Germany at Brazil.

Nakakuha rin si Robredo ng limang puntos na kalamangan kay Marcos ngayong buwan pagdating sa Facebook engagement score, na sumusukat sa potensiyal na maging botante ng partikular na kandidato ang isang tao. Si Robredo ay mayroong 8 milyong engagements kompara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali.

Tumatakbo si Robredo sa plataporma ng “Oplan Angat Agad” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon.

Nais matiyak ni Robredo na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay.

Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si Robredo ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Filipino. Nais din ni Robredo na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …