Sunday , December 22 2024

Lacson ‘kinain’ nang buhay mga kalaban sa debate

032122 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NANINDIGAN si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang programa na ibangon ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na pinaluhod ng pandemya sa idinaos na unang serye ng “PiliPinas Debates 2022: The Turning Point.”

Ang naturang debate ay inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) kagabi sa Sofitel Hotel sa Pasay City at dinaluhan ng siyam na kandidato sa pagkapangulo.

Unang tinanong ang mga lumahok kung anong sektor ang uunahin nilang tulungan para makabawi ang ekonomiya ng Filipinas.

Kalmadong inilahad ni Lacson ang kanyang solusyon sa nabanggit na problema.

Ipinaliwanag niya na nasa 99.5 porsiyento ng Pinoy enterprises ang napapabilang sa MSME at nasa 400,000 manggagawa sa sektor na ito ang nawalan ng trabaho nang mapilitang magsara ang mga negosyo sa pananalasa ng COVID-19.

“Ang kailangan unahin magkaroon ng fiscal —comprehensive, ano — fiscal stimulus, ‘yung targeted at saka comprehensive na fiscal stimulus para sa ating mga MSME. Tulungan natin silang ibangon kasi napakalaki ng tama sa ating ekonomiya nanggaling sa sektor ng MSMEs,” seryosong tugon ni Lacson.

Matapos ang naturang sagot ay mistula naman siyang ginaya ng iba pang mga dumalo sa debate na sina Vice President Leni Robredo at kapwa senador na si Manny Pacquiao, habang ang iba namang kandidato tulad ni Manila Mayor Isko Moreno ay nagsabing uunahin ang sektor ng agrikultura.

Tugon ni Lacson sa bagay na ito, bagama’t hindi rin dapat na kalimutan ang sektor ng agrikultura, nasa 10 porsiyento lamang ang kontribusyon nito sa gross domestic product (GDP) ng bansa at nasa 22 porsiyento ng buong labor force ng bansa ang nasasakop nito, kaya dapat na mas unahin ang MSMEs.

Binanggit din ni Lacson, sa huling bahagi ng debate ang kanyang mga pinagdaanan habang nasa serbisyo publiko.

Giit ni Lacson, sa lahat ng aspirante sa pagka-Pangulo, siya lamang ang aktuwal na nagsugal ng buhay sa pagliligtas sa panganib ng sinuman.

“Among all the presidential aspirants, narito man o laging absent, walang sinuman kundi ako ang sadya at aktwal na nagsugal ng sariling buhay sa pagligtas sa panganib ng sinuman. “

“It takes a leader, who is competent, qualified, and experienced, to turn the promises of unity, bilis aksyon, angat buhay into reality. Kailangan natin ng pangulo na handang ipaglaban kayong lahat para ipanalo ang sambayanang Filipino,” ayon kay Lacson.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …