Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Sexbomb Family Feud

Joy Cancio at ilang SB members makikipagtagisan ng talino kay Dingdong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PURING-PURI ng dating manager ng Sexbomb Dancers na si Joy Cancio si Dingdong Dantes. Nakasama niya ang aktor gayundin ng iba pang SB Dancers na sina Mia Pangyarihan, Jopay Paguia-Zamora, at Cheche Tolentino sa pinakabagong show na Family Feud.

Si Dingdong ang pinakabagong host ng Family Feud na mapapanood simula March 21, 5:45 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng 24 Oras

Kuwento ni Joy, sobra-sobra ang kanilang saya dahil sila ang isa sa unang guest ng naturang game show. 

Una sobrang kaba talaga kasi may Q &A ha ha ha. Pero naging okey naman after we pray,” tsika nito sa amin. “At napaka-kind at accommodating ni Dingdong,” paghangang sabi pa ni Joy.

Sinabi rin ni Joy na sobrang saya ng show kaya nakatitiyak siyang tatangkilikin ito ng netizens at kagigiliwang panoorin. “Ang saya sobra at saka pampamilya talaga ang show na ito.”

Ibinahagi ni Dingdong ang taping na ginawa ni sa Family Feud kasama si Joy at ang ilang SB members at ito ay napanood sa 24 Oras.

“Good evening po mga Kapuso. Nandito tayo ngayon sa set ng ‘Family Feud’ at ongoing ang taping namin,” anito kay Chika Minute’sIya Villania.

Naganap ang taping noong Biyernes, March 18 tampok ang Sex Bomb dancers at ang comedy bar veterans.

Ani Dingdong, mamimigay ang  Family Feud ng P300,000 araw-araw—PHP200,000 para sa studio players a P100,000 para sa limang lucky viewers na nasa kani-kanilang tahanan. Kailangan lamang sagutin ng mga televiewers ang tanong na ibibigay sa kanila sa oras ng show. 

Samantala,  abala ngayon si Joy sa kanyang SayAww Virtual Dance Exercise every Tues, Wed and Thurs via ZOOM. Bumalik dins iya sa pagse-serve kay God sa pamamagitan ng Dance Ministry of Feast light of Jesus at Community Service & activities para sa Rotary Club sa Pasay Edsa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …