Tuesday , November 19 2024
Carmina Villaroel Gelli de Belen Candy Pangilinan Janice de Belen Wala Pa Kaming Title

Janice, Gelli, Candy, at Mina chikahan to the max sa Wala Pa Kaming Title

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUMIBILANG na ng maraming taon ang pagkakaibigan nina Carmina Villaroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Janice de Belen kaya naman kilala na nila ang isa’t isa. Ang pagkakaibigan nila ay naging advantage sa kanilang podcast sa Viva One ng Viva Entertainment, ang Wala Pa Kaming Title.

Kung gaano kayo naloka sa title ganoon din ang apat dahil wala talaga silang maisip na pang-title sa nasabing show. Basta ang mahalaga, ang show ay ukol sa pagkakaibigan, o ang #FriendshipGoals.

Aminado ang tatlo (‘di nakadalo si Janice sa isinagawang zoom conference) na lahat sila ay super daldal kaya naman kapag nagsama-sama umaatikabong chikahan ang nangyayari.

Ito pala ang dahilan kaya naisipan ng Viva na bigyan sila ng podcast. Magiging bahagi ito ng Viva One, ang digital division ng Viva na mapapanood sa Oomph Podcast Network.

“This is the ultimate chikahan ng mga amigas. It tackles anything and everything under the sun that concerns parents raising teenagers and young adults, with a vibe that is so approachable and friendly,” ani Gelli 

“Hindi kami nagpapaka-deep or educational. What we share is based on our own experiences sa buhay. We share our own journeys in life, kuwentuhan lang,” sambit naman ni Carmina.

It’s a freewheeling kind of show, very spontaneous. Wala kaming title sa show kasi wala rin kaming topic. When we talk, kung saan-saan napupunta ang usapan namin. Kasi, lahat kami, curious na tao, puro kami matanong,” giit naman ni Candy.

Natanong ang apat ukol sa  kung paano nila napapanatili ang pagkakaibigan.

“Mahirap talaga maghanap ng totoong kaibigan, hindi lang sa showbiz, and I just feel very lucky and thankful that I found real friends in the industry,” ani Carmina. “Our friendship lasted because of the acceptance namin ng ugali ng bawat isa. Nag-jive na talaga agad kami. Nandoon ang trust, love and acceptance. Magkita man kami o hindi, we know the friendship is there. Tried and tested,” giit pa ng misis ni Zoren Legaspi.

Sa friendship, una sa lahat, you have to be a true friend yourself. I feel na ibinabalik lang nila sa akin kung ano ang ibiinibigay ko sa kanila. We are blessed that we found each other,” sambit naman ni Gelli.

Samantala, bukod sa Wala Pa Kaming Title kasama ring aabangan sa Oomph Podcast Networkang B*WITCHESnina Tina Wells at Amanda Coling. Ukol naman ito sa  woman-empowerment podcast na tatalakay sa adult-themes on womanhood and life. 

Nariyan din ang THE IDK SHOW  (IDK stand for I Don’t Know) ni Kean Cipriano na isang tsikahan ng mga musikero. Pag-uusapan nila ang cool, hip, at real vibe ng show na tatalakay sa kung ano nga ba ang malalapit sa mga puso ng mga artist– tulad ng kanilang music, inspirations, trials, at successes.

Mayroon ding handog si Matteo Guidicelli, ang MATT RUNS PODCAST  na magtatampok sa mas controversial at  braver conversations in Season 2.

“For interested podcast creators, Oomph Podcast offers a comprehensive support system that is designed to help titles get off the ground and be heard by listeners. Creative, marketing, and production support are part of the Oomph Podcast Network’s business framework and are easily accessible,” ani Vincent del Rosario, CEO ng Viva One.

Viva has been in the business of creating content that has entertained audiences through the years. We are invested in expanding our reach to the podcasting space to give Filipinos another venue to be engaged with our artists, their insights and ideas.

“The digital Pinoy wants to consume all the content that is available and we at Viva One are inspired by their dedication,” aniya pa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …