SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MARAMI ang napa-wow nang i-share ng international singer na si Ariana Grande sa kanyang Instagram ang video ng Leni Robredo–Kiko Pangilinan rally noong Linggo sa Pasig City.
Agad nag-viral ang IG Story ni Ariana na makikita ang libo-libong Filipino na dumalo sa rally na sabay-sabay kumakanta ng kanyang hit song na Break Free.
Caption ni Ariana sa kanyang IG post, “I could not believe this was real, I love you more than words.”
Unang ini-repost ng journalist na si Jules Guiang ang IG story ni Ariana sa Twitter. Aniya kasama ang link ng IG video ni Ariana, “Wow #ArianaGrande just posted this on her IG story. And yes I just followed her lol.
“This was taken during the pre-program of #PasigLaban.”
Isang international Filipino social media personality at influencer naman ang nagpahayag din ng suporta kay Robredo.
Nag-post si Bretman Rock sa kanyang IG ng isang video na naglalaman ng closing statement ni VP Leni sa ginanap na Commission on Elections Presidential Debate noong Sabado. Si Bretman Rock ay nagmula sa Cagayan at naninirahan ngayon sa Hawaii.
Aniya, “This statement shook me to the core… My president is a WOMAN (Philippine flag emoji).”