Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Pregnant Gregg Homan

Angelica Panganiban kinompirma ang pagbubuntis

INAMIN ng magkasintahang Angelica Panganiban at Gregg Homan na buntis nga ang aktres. Ginawa nila ang pag-amin sa Instagram account ng aktres na ibinando nila ang video ng ultrasound at printed copy ng sanggol na nasa sinapupunan ni Angge.

Ibinahagi nina Angelica at Gregg ang balita sa pamamagitan ng Instagram ng aktres ipinakita ang picture ng ultrasound at printed copy na nasa bote habang nasa tabing dagat at nasa likuran sila.

Caption nila sa IG post, “Ay! Na post!!!

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang excited na pahayag ng aktres.

March 6, 2022 unang umugong ang balitang buntis si Angelica kasunod ang get-together ng magkakaibigang, Angelica, Anne Curtis, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Angel Locsin na sinasabing isa sa mga unang binalitaan ng una ukol sa kanyang kalagayan. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …