Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Cervantes Quinn Carrillo Albie Casiño Joel Lamangan Vance Larena

Angelica Cervantes, umaming babae ang dyowa 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAPOS ang ginanap na story conference ng pelikulang Biyak, na pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan at mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, nakahuntahan namin ang isa sa lead stars dito na si Angelica Cervantes.

Si Angelica na dating member ng Belladonnas, ay aminadong naghahanda na sa matinding daring scenes sa pelikulang ito. Bukod kay Angelica, tampok din sa Biyak sina Albie Casiño, Quinn Carrillo, at Vance Larena. Kasama rin sa pelikula sina Jim Pebanco, Melissa Mendez, at Maureen Mauricio.

Ano ang preparation niya sa pelikulang Biyak?

Sagot ni Angelica, “Iyong internalization po ng character ko rito, kasi ang bigat po… lalo na noong ikinuwento sa akin ni Direk (Joel), pinapakinggan ko pa lang po siya ang bigat na eh. Iyong emotional niya, mabigat po. Pero yung sa physical, wala naman po, kaya naman po.

“Kasi habang binabasa ko po iyong script, parang nai-imagine ko na yung gagawin ko sa movie. Hindi ko na po namalayan na habang binabasa ko iyong script out loud, naiiyak na po ako. So, ano talaga, ang bigat po niya talaga.”

Ano ang reaction niya na mayroon daw silang asal aso love scene rito ni Vance?

Nakatawang sagot ng tisay na dalaga, “Siguro po ay abangan nyo na lang po. Kasi kahit ako, hindi ko po alam kung ano ang gagawin, kung paano po iyon.”

Nang usisain kung may boyfriend ba siya ngayon, sinabi ni Angelica na wala raw. Pero may girlfriend siya.

Sino ang babae sa kanilang dalawa? “Wala po,” lahad ng 21 year old na si Angelica. Pagpapatuloy na esplika pa niya, “Kumbaga, para lang po kayong nagtanong sa chopstick, ‘Sino ang tinidor sa inyo?’ Parang ganoon po. Mag-e-eight months na po kami.”

Bakit open siyang pag-usapan iyon? “Hindi po kasi dapat ikahiya yung mga ganoong bagay. Sa tingin ko po kasi, kaya maraming hindi nakakapag-open na tao, kasi maraming… parang pinalalabas nila na mali iyan. Pero, wala naman pong mali kung magmamahal ka.”

Inamin din ni Angelica na nagkaroon din siya ng boyfriend dati, bago siya nakaranas makipagrelasyon sa kapwa babae.

Mas gusto ba niya ang GF kaysa sa BF? Nakangiting tugon ni Christine, “Pareho lang naman po, pareho lang ang nararamdaman ko.”

Kapag tinanong kung member ba siya ng LGBTQ, ano ang sagot niya, “Opo, bi po ako,” diretsahang tugon pa ng magandang aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …