MA at PA
ni Rommel Placente
MAKAKASAMA si Yasmien Kurdi sa Pinoy adaptation ng K-Drama series na Start-Up, mula sa GMA 7, na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.
Sa interview sa aktres ni Nelson Canlas, sinabi nito na sobrang excited siya nang malamang magiging part siya ng show, dahil pinanonood niya ito rati sa Netflix. Looking forward din siya na makatrabaho sina Bea at Alden sa unang pagkakataon.
Sabi ni Yasmien, “Noong kasagsagan ng lockdown, ito ‘yung pinapanood ko talaga. Kaya noong sinabi sa akin, regarding the show, sobrang na-excite ako.
“I’m so excited kasi it’s a new set of cast, and it’s very refreshing, very new. Ang saya lang kasi ang tagal ko na rin silang gustong maka-work, at finally makakasama ko na sila ngayon.”
Happy kami para kay Yasmien dahil tuloy-tuloy ang trabahong ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang mother studio, ang Kapuso Network.
Deserved naman niya ito dahil sa totoo lang, magaan katrabaho si Yasmien. Hindi siya pasaway o nagpi-primadona.