Monday , November 18 2024
Anthony Taberna Ping Lacson

Ping Lacson ‘pinaka’ kay Ka Tunying

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINAKA-KWALIPIKADO para maging pangulo si Presidential candidate Ping Lacson para sa batikang broadcaster na si Anthony “Ka Tunying” Taberna.

Sinabi ito ni Ka Tunying sa isang vlog entry niya nang pag-usapan ang tungkol sa resulta ng survey. At dito nga niya rin nasabi na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang ibang kandidato at fight lang.

Hanggang sa matalakay na rin niya ang proposal noon ni Sen. Lacson tungkol sa formula sana para magkaroon ng isang kandidato ang oposisyon sa panguluhang halalan. J

Ito ‘yung proposal ni Lacson na magpa-file ng candidacy ang mga gustong tumakbong presidente. Pero sa isang partikular na panahon, kung ang kandidatong lilitaw na mas mababa sa survey, aatras sila at susuportahan na ang kasama sa usapan na pinakamataas ang survey sa kanila.

Kaya lamang tinanggihan agad ang mungkahing ito ni Lacson ng isang kandidato, ani Ka Tunying. Dito na rin nasabi ng broadcaster na si Lacson ang pinaka-kwalipikadong maging presidente ng bansa sa lahat ng tumatakbong pangulo ngayon.

“Kahit ako i-bash ninyo. Sasabihin ko [ito], sa mga kandidato ngayon sa pagkapangulo, kung qualification ang pag-uusapan, I think Senator Ping Lacson is the most qualified,” deklara niya.

“Pagdating sa karanasan, magmula pa noong plebo hanggang sa ngayon. Siyempre baka magkaiba tayo ng opinyon doon,” sambit pa ni Ka Tunying.

Ang matagal na karanasan nina Lacson at ng bise presidente niyang si Senate President Tito Sotto, na kombinasyon ng 80 taon sa public service ang iniaalok nila sa mga botante. 

Nang tanungin nga noon sa isang interview si Lacson kung bakit siya ang dapat na ibotong pangulo, ang sagot ng senador, “I’m most qualified, most competent and most experienced.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …