ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
HATAW to the max ang showbiz career ng magandang sexy actress na si Christine Bermas. Ayaw paawat ang dalaga sa sunod-sunod niyang project na napapanood sa Vivamax.
Mula sa pangangalaga ng mabait na talent manager/producer na si Ms. Len Carrillo, nagsimula si Christine bilang member ng all-girl sing and dance group na Belladonas.
Mula rito ay nakagawa siya ng ilang pelikula kabilang ang Codep at Silab, at dumating ang biggest break bilang Viva contract star nang gawin ang mga pelikulang Siklo at Sisid.
Ngayong March 18 mapapanood si Christine sa Moonlight Butterfly sa Vivamax. Inihahandog ng VIVA Films ang isang pelikula mula sa Master Director na si Joel Lamangan, tungkol sa isang babae na may kakaibang ganda at karisma.
Dito’y leading men ni Christine sa pelikulang prinodyus ng 3:16 Media Network sina Kit Thompson at Albie Casiño.
Pagkatapos ng kanyang notable roles sa mga pelikulang Siklo at Sisid, handa na si Christine para sa kanyang unang lead role sa Moonlight Butterfly. Dahil sa kanyang magandang katawan at magaling na pag-arte, hindi nahirapan si Christine na makuha ang approval ni direk Joel.
Sa isang interview, ipinagmalaki ni direk Joel na nakadiskubre na naman siya ng isang bagong aktres na siguradong magtatagal sa industriya. Para makuha ang approval ng award-winning direktor ay hindi madali, lalo na at nakagawa na ng pangalan si direk Joel bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor ng Philippine Cinema. Sa mga nakaraang taon, ilan sa kanyang mga pelikula ang sumikat gaya ng Felix Manalo, Hindi Tayo Pwede” at Rainbow’s Sunset.
Si Direk Joel ay nagpahayag ng paghanga sa husay ni Christine.
“Isa sa pinaka-paborito kong pelikulang nagawa ang Moonlight Butterfly dahil napapanahon siya. Hindi ito iyong usual tale tungkol sa isang escort girl. Malalim ang dahilan ni Eunice kung bakit niya ginagawa ito. Sumasalamin ito sa katotohanan. At higit sa lahat, mahusay siya. Matalino, mabilis kumuha ng instructions, walang kiyeme…
“A new star is born! Malayo ang mararating niya sa showbiz. Kasi nga, maliban sa siya ay maganda, may talent talaga,” wika ng premyadong direktor.
Nagpasalamat naman si Christine sa mga taong nagtitiwala sa kanya.
Aniya, “Sobrang thankful po ako na maraming nagtitiwala sa akin kahit hindi pa naipapalabas yung first film ko. Ang dami kong mga natutunan sa iba’t ibang artistang nakakatrabaho ko. Mas lalo akong nai-inspire na mahalin ang trabaho ko and i-improve yung craft ko.”
Ang Moonlight Butterfly ay kuwento ni Eunice (Christine) aka Moonlight Butterfly, ang pinakasikat na GRO sa Angeles, Pampanga. Pinasok niya ang ganitong trabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at masuportahan ang pag-aaral ng kanyang boyfriend na si Roy (Albie).
Sa kanyang klase ng trabaho, maraming nakikilalang lalaki si Eunice, ngunit iisa lang ang namumukod-tangi, si Elliot (Kit), isang Amerikanong nagbigay sa kanya ng pangalang Moonlight Butterfly. Naakit si Elliot sa kakaibang ganda at karisma ni Eunice at aalukin siya nito na tumira kasama siya sa iisang bahay. Ibibigay niya ang lahat ng gusto at kailangan ni Eunice at ng kanyang pamilya, kapalit ng pagtigil niya sa pagiging GRO.
Samantala, nagsisimulang magkalabuan sina Eunice at Roy. Magfo-focus na lang si Eunice na paligayahin si Elliot, habang sinisigurado naman ni Elliot na nabibigay niya ang mga pangangailangan ni Eunice. Hanggang dumating ang panahon na kailangan niyang umalis ng bansa para sa trabaho at matitigil ang kanyang pagsuporta kay Eunice.
Mapipilitang bumalik si Eunice sa pagiging GRO, at may makikilala siyang bagong customer: isang misteryosong Arabo na naakit din sa ganda at karisma ni Eunice. Pagbalik ni Elliot mula sa kanyang trabaho sa abroad, malalaman niya na may bagong lalaki si Eunice at dito magsisimulang magulo at malagay sa panganib ang buhay ni Eunice.
Mahumaling sa kakaibang ganda ni MOONLIGHT BUTTERFLY sa March 18, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.
At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX ay compatible na with TV casting. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at puwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.