Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alma Concepcion Cobie Punosa

Alma Concepcion happy na nakasama ang anak sa birthday nito

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYA ang Beautederm ambassador na si Alma Concepcion dahil nakasama niya ang anak na si Cobie Punosa birthday nito noong March 16.

Naka-sem break si Cobie sa school kaya nasa Pilipinas. Sa Fordham University’s Gabelli School of Business sa New York siya nag-aaral.

Very proud nga si Alma kay Cobie dahil tumanggap ang anak ng certificate of recognition nang mapabilang sa dean’s list sa nakaraang semester.

Naka-chat namin sa Messenger si Alma at hiningan namin siya ng birthday message para kay Cobie.

“My birthday wish for Cobie ay magpakatatag sya kasi last year na niya sa college. Simula na ng paglaban sa buhay. Deep faith, good health, peace, and contentment. Continue keeping a habit of striving for excellence,” ani Alma.

Samantala, busy sa sunod-sunod na proyekto si Alma. Nagte-taping siya para sa mga seryeng False Positive at Lolong ng GMA-7. May upcoming movie rin siyang isu-shoot.

Natanong pa namin siya kung paano na ang Beautederm business niya kapag busy siya sa tapings at shootings.

“Natututukan ko pa rin ang Beautederm store ko daily kasi by online naman ang ibang orders. Sa mga walk in naman bukas siya daily except sundays sa 59 Xavierville Avenue, Quezon City (10 am-6pm). Nasanay na rin ako sa online selling ko ng Beautederm since 2011. Kaya kahit saan, kahit nagsu-shoot ako ay natututukan ko ang mga client in between takes at sa mga free time. Time management lang talga at dedication,” paliwanag ni Alma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …