SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Albie Casino na nahirapan siya sa Moonlight Butterfly. First time kasing gumawa ng sex scene ang aktor kaya naman nanibago siya at nahirapan.
Ani Albie, bukod sa love scenes, na-challenge rin siya sa paglalagay ng plaster sa kanyang private part para hindi ito makita sa camera.
“‘Yung pinakamahirap ay ‘yung love scene namin ni Christine (Bermas) bilang conservative akong lalaki. So, nahirapan ako sa mga ganoong bagay. First time ko rin kasing magkaroon ng love scene tapos ganoon pa ka-intense,” pag-amin ni Albie.
“‘Yung plaster, pinakamahirap din talaga ‘yon especially taking it off, putting on, first time ko kasing kailangang magsuot ng plaster. Doon talaga ako nahirapan. Masakit siyang tanggalin,” nangingiting pagkukuwento pa ng aktor sa isinagawang virtual media conference.
Ginagampanan ni Albie ang karakter ni Roy sa Moonlight Butterfly na pinag-aaral at binubuhay ng kanyang girlfriend (Christine)
Ang Moonlight Butterfly ay idinirehe ni Joel Lamangan at mapapanood na sa Vivamax simula ngayong araw, March 18.