Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Partylist group iginiit
MAY NPA SA GRUPO NG LENI-KIKO

031722 Hataw Frontpage

NAGLALARO umano sa kamay ng mga komunista si Vice President Leni Robredo at si vice presidential aspirant Senator Kiko Pangilinan dahil sa ginagawa nilang pakikipag-alyansa sa Makabayan bloc na nirerepresenta ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), ayon sa Abante Sambayanan party-list.

“Unfortunately, VP Robredo and Sen. Pangilinan cannot claim as well innocence as they themselves openly proclaimed their alliance with the CPP-led and sarcasticallly-named makabayan bloc composed of the Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Act Teacher and Gabriela partylist groups, otherwise known as KABAG,” pahayag ng 3rd Nominee nito na si Arthur Tariman.

Sabi ni Tariman, insulto sa talino ng mga Filipino ang ginagawa nina Robredo at Pangilinan dahil hindi susuportahan ng Makabayan bloc ang kanilang kandidatura nang walang pinagkakasunduang usapan na tinanggap umano nina Leni at Kiko para sa asam nilang posisyon sa gobyerno.

“There is no doubt, however, that they indeed entered pact with the devil – the communist terrorist group – in their uncontrollable desire to takeover the reign of government,” ayon kay Tariman.

Dagdag ng Sambayanan representative, hindi maaaring magmaang-maangan sina Robredo at Pangilinan dahil kanilang mga posisyon bilang bise presidente at senador ay tiyak umano na may kakayahan silang makuha ang mga classified information tungkol sa mga kaaway ng estado at banta sa ating seguridad.

“Otherwise, if they insist to profess to be totally ignorant and innocent about the undeniable link between the CPP-NPA-NDF and the makabayan bloc or KABAG, then they can be as dumb and as fool not worth even the position of janitor in a government office,” patutsada ni Tariman.

Deretsahang pinangalanan ni Tariman ang mga umano’y CPP-NPA members na nag-organisa ng kanilang mga miyembro sa Metro Manila at CALABARZON para sumama sa Leni-Kiko campaign rally sa General Trias, Cavite noong 4 Marso.

Ito ay sa pamamagitan umano ng kanilang urban operatives sa pangunguna nina Mong Palatino, Obet de Castro, Axel Pinpin na nasa frontline ng mobilisasyon ng kanilang mga inorganisang indibidwal.

Nangako ang party-list na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mahadlangan umano ang alyansa ng mga pula o ng CPP-NPA at pink na kulay ng kampo ni Robredo, gayondin ang plano nila laban sa sambayanang Filipino.

“In the end, we invoke divine intercession in freeing the Filipinos from this unholy alliance of the blood-drenched communist terrorists and power-hungry political ‘pacmen’,” saad ni Tariman. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …