Friday , November 15 2024
P9-M imported na pekeng sigarilyo, nakompiska ng BoC at PDEA

P9-M imported na pekeng sigarilyo, nakompiska ng BoC at PDEA

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC), sa isang joint operations ng Manila International Container Port -Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang tinatayang aabot sa P9 milyong halaga ng mga imported na pekeng sigarilyo sa isang bodega sa Valenzuela City.

Armado ang composite team ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nang inspeksiyonin ang bodega na naglalaman ng master cases ng mga imported na pekeng sigarilyo, gaya ng Marlboro reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba pa.

Ang mga pakete ng sigarilyo ay nagtataglay ng pare-parehong Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps at serial numbers.

Ibinahagi ni CIIS Director Jeoffrey C. Tacio na kaagad umaksiyon ang grupo nang makatanggap ng intelligence reports hinggil sa naturang warehouse.

“It is not even enough that we seize a whole warehouse, where these cigarettes without permits and legitimate stamps were found. We need to find the root of these operations,” ani Tacio.

Nabatid, nakita ng mga awtoridad sa naturang warehouse ang isang sasakyan sa storage area at nang inspeksiyonin ay dito nila natuklasan ang ilang master cases ng mga sigarilyo na nasa passenger seat at rear seats nito.

Inalis umano ng smugglers ang rear seats at ginamit ang espasyo upang itago at ibiyahe ang mga ilegal at pekeng sigarilyo.

Ang mga goods ay dinala na sa BoC premises, kung saan ito isasailalim sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 118 concerning Section 1113 ng Republic Act 10863 o The Customs Modernization and Tariff Act.

Pinuri ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang kanyang mga tauhan dahil sa naturang operasyon na nagresulta upang mapigilan ang distribusyon ng mga pekeng produktong sigarilyo at hindi na nakarating pa sa merkado.

“Our people trust us to do our jobs well, and that means ensuring that only safe and legal products enter our markets. It is upon the Bureau to protect the borders from these criminals, to free the local markets from illegal practices that put our efforts into question,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …