Monday , December 23 2024
Hipon Girl Herlene Budol

Herlene “Hipon” Girl pinaghahandaan pagsali sa beauty contest

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOYang pagsali ni Herlene “Hipon” Girl sa beauty contest. Ito ang tiniyak niya kahapon sa digital media conference ng pinagbibidahan niya kasama si Kit Thompson, ang digital romantic comedy series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask na mapapanood simula March 26.

Taong 2019 nang unang ipahayag ni Hipon Girl ang interes na sumali sa Binibining Pilipinas. “Magpapatalino lang ako ng kaunti,” anito kay Willie Revillame sa show nila na Wowowin.

At kahapon natanong si Hipon Girl ukol sa plano niyang ito kung tuloy pa ba at kung may plano ba siyang magpa-retoke.

“Baka po lumaban tayo ng patas,” bungad nito. 

“Nagte-training na po ako sa Kagandahang Flores. Kung magpapa-retoke po, siguro enhance, enhance lang tapos kung kaya ng thread, ‘yun lang siguro. Baka naman may sponsor,” ani Hipon.

Samantala, isang malaking hamon sa career ni Hipon ang ibinigay ng Puregold sa pagbibida niya sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask na ipinrodyus ng award winning filmmaker na si Chris Cahilig at idinirehe ni Victor Villanueva.

Hindi simpleng role ang ipinagkatiwala kay Hipon kundi siya ang bida kaya naman inamin nitong tuwang-tuwa siya sa offer.

“Wala akong karapatang tumanggi,” anito. “Siyempre, blessings ‘yan. Tuwang-tuwa ako na na-bless para mag-bida sa isang series. Sobrang masayang-masaya po ako sa nangyayari kaya ginalingan ko nang sobra. Ginawa ko ‘yung best ko,” dagdag nito ukol sa13-episode series na na-conceptualized ng retail company na Puregold.  

Puring-puri naman si Hipon ng kanilang direktor pero sinabi nitong hindi siya nagpaka-kampante sa ibinigay niyang pag-arte dahil alam niyang nagsisimula pa lang at may i-i-improve pa siya.

“Humingi rin po ako ng tulong at saka ayoko kong magalit sila sa ‘ain on set kaya talagang ginagalingan ko sa lahat ng ginagawa ko.

“Humihingi ako ng mga payo talaga bago ako sumalang. Nagkakabisa ako ng script, diyan ako mahina talaga,” pag-amin nito na kabaligtaran sa sinabi ng kanilang direktor dahil anito, alam na alam at mabilis magkabisa ng mga linya si Hipon.

“Napag-aaralan naman po lahat ng bagay kaya kung gusto mo po, may paraan,” giit ni Hipon na gagampanan ang karakter ni Malta, isang25-year-old cashier na todo-kayod para sa kanyang ina na si Madam Baby (Mickey Ferriols).

Tampok din sa Ang Babae sa Likod ng Face Masksina Kiray Celis, VJ Mendoza, at Hasna Cabral.

Ang Babae sa Likod ng Face Mask ay kasunod sa naunang series sa Puregold Channel na GVBoys.

The ever-present face mas is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series. And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic, comedies,” ani Puregold marketing manager na si Ivy Piedad.

Libreng mapapanood ang Ang Babae sa Likod ng Face Mask tuwing Sabado, simula March 26, 6:00 p.m. sa official YouTube channel ng Puregold.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …