Monday , November 18 2024
Chel Diokno

Bagong campaign song ni Chel Diokno patok, netizens na-LSS

PATOK sa netizens ang bagong campaign song ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

Inilabas noong Lunes ni Diokno ang bago niyang campaign jingle na may pamagat na “Chel Ka Lang,” ang tono’y hango sa kantang “Cool Ka Lang.”

Umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kanta na nakaka-LSS o Last Song Syndrome, ayon sa maraming nagkomento sa Facebook page ng human rights lawyer.

“LSS na this,” post ni Ciara Liezette sa Facebook page ni Diokno.

“Super saya ng jingle! Maraming salamat po! Ipanalo na ito!” komento ng netizen na si Nina Ureta.

Para naman kay Kheena Thrisia Ligas, puwedeng ilaban bilang “song of the year” ang bagong campaign jingle ni Diokno.

“Love the jingle! Very catchy!” ani Kat Solmayor.

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang inilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahan ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil sa kakayahang maresolba ito sa antas barangay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …