Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Kris Aquino

Kris tinawag na “stage mother” si Angel

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGPASALAMAT si Kris Aquino kay Angel Locsin dahil sa pag-aalaga sa kanya at anak niyang si Josh nang sumailalim sila sa medical tests kamakailan.

Sa video na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram kabilang si Angel sa pinasalamatan niya sa mga nakalagay na artcards.

Thank you to my friends, the lovable feeling both ‘stage mother’ and main character in Grey’s Anatomy to both kuya Josh [and] me, Angel (Locsin) Arce, and the feeling doktora even though mommy niya is the real MD, who was scolding me for not pressing the pain reliever auto release button kasi ayokong maging dependent, ‘hindi ito test ng tapang,’ Anne Binay Alcantara,” ayon kay Kris.

Maraming fans at supporters tuloy ni Kris ang nagpasalamat kay Angel dahil sa pagiging mabuti nitong kaibigan sa kanilang idolo.

Nagpasalamat din si Kris sa kanyang fans at mga kaibigan na sinasamahan siya sa kanyang wellness journey at nagdarasal para sa paggaling niya.

Sumailalim sa iba’t ibang medical tests si Kris gaya ng positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan, upper endoscopy, electrocardiogram (ECG), at 2D echo tests.

Ibinalita ni Kris na walang na-detect na tumors pero na-diagnose naman ang pagkakaroon niya ng erosive gastritis at gastric ulcer.

Samantala, sa isa pang IG post na kasama ni Kris ang mga anak na sina Josh at Bimby, sinabi niya na nakauwi na sila matapos manatili sa ospital para sa kanyang tests.

Nakauwi na kami… this was our last pic before heading to our temporary, leased home… maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the love and concern from these two giants, through them binigay ni God so much more than I could ever deserve,” ani Kris sa caption.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …