Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyla kakampink

Knock Knock Leni  ni Kyla bet ng mga Bacolodnon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA si Kyla sa nagbigay-saya sa isinagawang rally kamakailan para kay presidential candidate Vice President Leni Robredo sa Paglaum Stadium sa Bacolod. Kitang-kita namin sa ibinahaging video clips kung paano kinagiliwan ang magaling na singer ng may 70,000 tagasuporta ni VP Leni.

Kasama si Kyla sa naglalakihang pangalang sumuporta kay VP Leni sa rally nito sa Bacolod. Nagbigay saya sa mga Bacolodnon sina Sharon Cuneta, Rivermaya, at Kuh Ledesma. Nandoon din sina Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey, at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena, at Nica del Rosario. Naroon din sina Edu Manzano, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Nikki Valdez, Agot Isidro, Ogie Diaz kasama ang kanyang tropang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Nagbahagi ng kanta si Kyla, ang Knock Knock Leni na ikinatuwa ng netizens.

Bago niya kinanta ito ay nag- “knock-knock” muna siya.

Sagot ng netizems,  “Who’s there?”  “Leni,” sagot naman niya.

“Leni who?” muling tanong ng Bacolodnons.

At saka niya kinanta ang, “When I found myself in times of trouble mother LENI comes to me speaking words of wisdom let it be. Let LENI Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead. Speaking words of wisdom Let LENI LEAD!” sa tono ng awitin ng Beatles. Hiyawan ang may 70k na sumuporta sa rally.

Pero bago pinakawalan ni Kyla ang knock-knock at kanta sinabi muna nitong, “katulad po ninyong lahat ako po ay nangangarap din at punumpuno ng pag-asa at kasama ninyong nagdarasal para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Isa si Kyla sa masugid na taga-suporta ni VP Leni sa pagtakbo nito bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo 9.

Samantala, nag-trending ang hashtag #BacolodIsPink bilang No. 1 sa Pilipinas gayundin ang #MASSKARApatDapatLeniKiko at #NegOccIsPink.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Zsa Zsa ibabalik Lifetime Achievement Award ng Aliw 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANLIIT si Zsa Zsa Padilla pagkatapos hindi mabigyang pagkakataong makapag-speech matapos …