Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Jolina Magdang

Jolina ipinagmalaki ang regalong natanggap kay Regine

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

IBINIDA ni Jolina Magdangal sa kanyang Instagram ang regalong mamahaling sapatos na natanggap niya kay Regine Velasquez.

Ayon sa caption ng IG post ni Jolina, “Share ko lang… May isang taong very generous. ‘Pag nakita n’ya na bagay sa taong ito kung anumang gamit meron s’ya, binibigay n’ya. At isa na nga ang mga super gaganda at branded shoes n’ya. May mga kaibigan ako na nabigyan na nya ng shoes kasi magka-size sila. Pare pareho silang size 6. Kaya sabi ko.. naku malabo na ako kasi 4 1/2 ako (hahaha! Manika lang),” paunang pagbabahagi ni Magdangal.

PERO!!!!! Totoo nga ang kasabihang ‘Never lose hope.’ Nung isang araw, pasuot na s’ya ng napakaganda n’yang sapatos, biglang sabi n’ya sa ‘kin, ‘Sukat mo nga Jolens.’ Bigla akong kinabahan, kaya dinahan-dahan ko ang pagsuot ng sapatos na parang nung sinusuot ‘yung glass shoes ni Cinderella, at ang naiisip ko… ‘ito na yata ang moment ko’ 

“KUMASYA! Fit na fit! At narinig ko nga ang matamis na, ‘sige sa ‘yo na.’ Muntik ako mapakanta ng ‘This is the Moment’ ni Erik Santos. 

“To my fairy godmother (at fairy godmother ng karamihan) Ate @reginevalcasid, maraming salamat! ‘Di ako makapaniwala na may nagkasya sa ‘kin na shoes mo kaya nilagay ko s’ya sa side table ko. Hahahahaha! I love you Ate!!! Isusuot ko ba o ipapa-glass box frame ko?”

Si Regine ang kasalukuyang special co-hosts nina Jolina at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …