Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Bacolod rally artists

Malalaking pangalan sa showbiz naghatid-saya sa 70K supporters ni Leni sa Bacolod City

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSAMA-SAMA ang mga malalaking pangalan ng showbiz at musika sa pagbibigay-saya sa 70,000 tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Biyernes sa Paglaum Stadium sa Bacolod City. 

Ang bigating lineup ay pinangunahan nina Sharon Cuneta, Rivermaya, Kyla, at Kuh Ledesma

Nandoon din sina Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey, at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena, at Nica del Rosario na naghandog ng mga kanta. 

Ang mga aktor na sina Edu Manzano, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Nikki Valdez, at Agot Isidro, at showbiz personality Ogie Diaz kasama ang kanyang YT channel co-hosts na sina Mama Loi and Dyosa Pockoh,  ay umakyat sa entablado para ipahayag ang kanilang suporta para kay Vice President Leni at running mate Kiko Pangilinan, at sa lahat mga kasama sa kanilang slate. 

Iniulat ni Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz na ang tao sa loob at paligid ng Paglaum Stadium ay nasa 70,000. Nilampasan nito ang dating marka na halos 50,000 katao sa General Trias, Cavite. 

Sa pagbisita ni Robredo sa Iloilo at Tandag, nagsama-sama ang 40,000 at 20,000 tagasuporta, ayon sa pagkakasunod, habang libo-libo rin ang dumalo sa kanyang rally sa Mindoro at Romblon. 

Mahigit 100,000 katao ang dumalo sa ilang pagtitipon ni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang 20,000 tagasuporta sa Sagay City. 

Dumalaw din ang Bise Presidente sa San Carlos City, Kabankalan City, La Carlota City, Binalbagan at Hinigaran, na umabot sa kabuuang 20,000 tagasuporta ang dumalo. 

Nag-trending naman ang hashtag #BacolodIsPink bilang No. 1 sa Pilipinas at sa buong mundo sa Twitter habang ang #MASSKARApatDapatLeniKiko at #NegOccIsPink ay nasa ikatlo at ikaapat, ayon sa pagkakasunod. 

Nangyari ang pinakamalaking pagtitipon sa Bacolod matapos manguna si Robredo sa Google Trends at Facebook Analytics. 

Mula Pebrero 5 hanggang Marso 2, 2022, nanguna si Robredo sa Google Trends na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at “Robredo” at mula sa positive engagements, na malayo ang agwat sa kanyang katunggali na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tagumpay ang Google Trends sa pagdetermina sa resulta ng halalan sa United States, Greece, Spain, Germany, at Brazil. 

Nakakuha rin si Robredo ng limang puntos na kalamangan kay Marcos ngayong buwan pagdating sa Facebook engagement score, na sumusukat sa potensiyal na maging botante ng partikular na kandidato ang isang tao. Si Robredo ay mayroong 8 milyong engagements kompara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali. 

Tumatakbo si Robredo sa plataporma ng “Oplan Angat Agad”, na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon. 

Nais matiyak ni Robredo na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay. 

Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si Robredo ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Filipino. Nais din ni Robredo na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …