PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MAGHAHATID ng kasiyahan at sorpresa sa mga taga-Vigan, Ilocos Sur ang mga Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino at Boobay sa pagbabalik doon ng Beaute on Wheels sa March 15.
Ayon sa social media post ng Beautederm, “Vigan are you ready for a second sensational serving of BEAUTéDERM’s Beauté On Wheels?
“Start your engines — And gear up with super summer surprises & fabulous freebies with your BEAUTéDERM Brand Ambassadors Carlo Aquino & Boobay!”
Nauna nang nagbigay ng kasiyahan si Ms. Lorna Tolentino sa mga taga-Vigan sa pag-arangkada roon ng Beaute on Wheels, ang bagong pet project ng Beautederm Corporation at ng advocacy arm nito na ContriBeaut.
Napili ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan na simulan ang Beaute On Wheels sa kanyang hometown sa Vigan, Ilocos Sur at sa alma mater niyang University of Northern Philippines kasama nga si Ms. Lorna.
“I’m so happy that the very first leg of Beauté On Wheels happened in my hometown – Vigan. I was so ecstatic to share & showcase Beautéderm to my fellow Ilocanos with no less than one of my dearest Brand Ambassadors — Grand Slam Queen, Ate Victoria Lorna Fernandez Thank you UNP Vigan for your warm welcome! My Beloved Alma Mater!” sabi ni Ms. Rhea sa kanyang post sa social media.
Sa March 15, 7:00 p.m., sina Carlo at Boobay naman ang magpapasaya sa mga taga-Vigan sa Plaza Burgos.