Monday , May 12 2025
Rhea Tan Beautederm Korean

Beautederm ni Rhea Tan Korean actor ang next endorser

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na marami ang mapapa-wow dahil mula kina Alma Concepcion hanggang kina Sylvia SanchezMarian Rivera at iba pang naglalakihang pangalan sa showbiz na ambassador ng Beautederm, isang Korean actor naman ang gugulat para mag-endoso ng mga produkto ni Rhea Tan ng Beautederm.

Ito ang napag-alaman namin nang mag-overnight ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang AK Guest House sa Angeles, Pampanga.

Rhea Tan Beautederm SPEED

At habang nakikipag­kuwentuhan kami sa CEO at presidente ng Beautederm nasabi nitong ang next target niya para maging ambassador ng kanyang produkto ay isang Korean actor.

Hindi pa lamang nito nasabi kung sino dahil namimili pa siya.

Naikuwento rin ni Tan na malapit nang pasinayaan ang ipinatatayo niyang BD Corporate Office sa Angeles, Pampanga. “By May magkikita-kita uli tayo, sa grand opening nitong dugo’t pawis na ipinuhunan ko sa pagpapatayo nitong building ko,” panimula ni Tan habang sakay kami ng kanyang coaster dahil inililibot niya kami sa mga nabili niyang ari-arian.

Rhea Tan Beautederm niyang BD Corporate Office Angeles Pampanga

Ani Tan, ang BD Corporate Office na 7 storey ay ang biggest beautehub clinic kung ikokompara sa mga clinic sa Manila. Ang building ay nakatayo sa 1,000sq/m, may underground parking at matatagpuan dito ang lahat ng negosyo niya.

Bale 2 storey ang beautehub clinic dahil 20 rooms at bawat room may banyo, lababo, dining, parang condo per clinic. Andyan din ang A-List Avenue na 2 storey din for my signature bags, clothes etc., at ang dream kong coffee shop na tatawaging Beaute Beanery, mahilig kasi tayong magkape. Sa taas may function hall overlooking buong Angeles. May roofdeck na maganda na pwedeng mag-event at  may studio rin na may VIP rooms,” masayang pag­babahagi ni Tan na mula sa isang pagiging vice president noon ng isang appliance center, ngayon ay may-ari at presidente ng sikat na sikat na Beautederm. 

Rhea Tan Beautederm

“Ginastusan ko lahat ang buong loob niyan (building), parang five star hotel ang hitsura niya, dahil pinsan namin ang gumagawa ng mga naglalakihang hotel na siya ring gumagawa ng building ko.

“‘Pag punta mo riyan I make sure na Instagramable ang every corner ng coffee shop ko and ‘yung clinic namin,” sambit pa ni Tan na mula sa puhunang P3,500 eh hindi akalaing lalaki ang negosyong sinimulan noong 2016.

Hindi nakapagtatakang maraming blessings na natatanggap si Tan dahil malaki rin ang puso niya sa pagtulong. Karamihan nga ng mga kasama niya sa appliance center na pinagtrabahuan niya noon ay sumama sa kanya—mula sa janitor, guard, finance officer at iba pa. Kaya naman ngayon, 96 na ang kanyang staff (at 100 naman ang kanyang store) na pinatitira niya sa 19 bahay na nabili niya sa kanilang subdivision. Wala pa riyan ang dalawang staff niya na binigyan ng pabahay at kotse.

Rhea Tan Beautederm Rotary District 3790

At kung maraming negosyo ang naapektuhan ngayong pandemic lalo na noong nag-lock-down, hindi apektado si Ms Rhea. Bagkus parang umulan pa ng blessings.

Nakarami ako ng bahay noong pandemic, 19 houses. Hindi ako naghahangad ng malaki, ‘yung sakto lang, kaso umaapaw ‘yung ibinibigay ni Lord. 

Dito ako nag-umpisa nag-clinic-clinic, ‘yung Beautehaus na buhay pa till now. Sabi ko  ko laruan ko lang ‘yang clinic kasi mahilig ako magpa-clinic kasi mahilig akong magpapayat. Eh sa awa ng Diyos, dahil exclusive, riyan pa lang buhay na po kami,” sambit pa ng Beautederm owner.

Malaki rin ang pagpapahalaga ni Tan sa kanyang mga empleado kaya naman mahal din siya ng mga ito kahit may mga naging pasaway din. “Without them I can’t do it by myself. My times na pwedeng bonding-banding, sabay-sabay kami magpa-petix-petix,” kuwento pa ni Tan na may pa-scholar din siya sa mga anak ng kanyang mga empleado.

At ang pinaka-sikreto ni Tan sa kanyang tagumpay ay ang laging ‘di paglimot sa Itaas. “Ipinagdarasal ko lahat-lahat at siyempre, kung ano ang mayroon ako, isini-share ko rin. Mahalaga rin na magbahagi tayo sa mga taong tapat at loyal sa atin.”

Beautederm ni Rhea Tan Korean actor ang next endorser

TIYAK na marami ang mapapa-wow dahil mula kina Alma Concepcion hanggang kina Sylvia SanchezMarian Rivera at iba pang naglalakihang pangalan sa showbiz na ambassador ng Beautederm, isang Korean actor naman ang gugulat para mag-endoso ng mga produkto ni Rhea Tan ng Beautederm.

Ito ang napag-alaman namin nang mag-overnight ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang AK Guest House sa Angeles, Pampanga.

At habang nakikipag­kuwentuhan kami sa CEO at presidente ng Beautederm nasabi nitong ang next target niya para maging ambassador ng kanyang produkto ay isang Korean actor.

Hindi pa lamang nito nasabi kung sino dahil namimili pa siya.

Naikuwento rin ni Tan na malapit nang pasinayaan ang ipinatatayo niyang BD Corporate Office sa Angeles, Pampanga. “By May magkikita-kita uli tayo, sa grand opening nitong dugo’t pawis na ipinuhunan ko sa pagpapatayo nitong building ko,” panimula ni Tan habang sakay kami ng kanyang coaster dahil inililibot niya kami sa mga nabili niyang ari-arian.

Ani Tan, ang BD Corporate Office na 7 storey ay ang biggest beautehub clinic kung ikokompara sa mga clinic sa Manila. Ang building ay nakatayo sa 1,000sq/m, may underground parking at matatagpuan dito ang lahat ng negosyo niya.

Bale 2 storey ang beautehub clinic dahil 20 rooms at bawat room may banyo, lababo, dining, parang condo per clinic. Andyan din ang A-List Avenue na 2 storey din for my signature bags, clothes etc., at ang dream kong coffee shop na tatawaging Beaute Beanery, mahilig kasi tayong magkape. Sa taas may function hall overlooking buong Angeles. May roofdeck na maganda na pwedeng mag-event at  may studio rin na may VIP rooms,” masayang pag­babahagi ni Tan na mula sa isang pagiging vice president noon ng isang appliance center, ngayon ay may-ari at presidente ng sikat na sikat na Beautederm. 

Ginastusan ko lahat ang buong loob niyan (building), parang five star hotel ang hitsura niya, dahil pinsan namin ang gumagawa ng mga Marriot Hotel na siya ring gumagawa ng building ko.

“‘Pag punta mo riyan I make sure na Instagramable ang every corner ng coffee shop ko and ‘yung clinic namin,” sambit pa ni Tan na mula sa puhunang P3,500 eh hindi akalaing lalaki ang negosyong sinimulan noong 2016.

Hindi nakapagtatakang maraming blessings na natatanggap si Tan dahil malaki rin ang puso niya sa pagtulong. Karamihan nga ng mga kasama niya sa appliance center na pinagtrabahuan niya noon ay sumama sa kanya—mula sa janitor, guard, finance officer at iba pa. Kaya naman ngayon, 96 na ang kanyang staff (at 100 naman ang kanyang store) na pinatitira niya sa 19 bahay na nabili niya sa kanilang subdivision. Wala pa riyan ang dalawang staff niya na binigyan ng pabahay at kotse.

At kung maraming negosyo ang naapektuhan ngayong pandemic lalo na noong nag-lock-down, hindi apektado si Ms Rhea. Bagkus parang umulan pa ng blessings.

Nakarami ako ng bahay noong pandemic, 19 houses. Hindi ako naghahangad ng malaki, ‘yung sakto lang, kaso umaapaw ‘yung ibinibigay ni Lord. 

Dito ako nag-umpisa nag-clinic-clinic, ‘yung Beautehaus na buhay pa till now. Sabi ko  ko laruan ko lang ‘yang clinic kasi mahilig ako magpa-clinic kasi mahilig akong magpapayat. Eh sa awa ng Diyos, dahil exclusive, riyan pa lang buhay na po kami,” sambit pa ng Beautederm owner.

Malaki rin ang pagpapahalaga ni Tan sa kanyang mga empleado kaya naman mahal din siya ng mga ito kahit may mga naging pasaway din. “Without them I can’t do it by myself. My times na pwedeng bonding-banding, sabay-sabay kami magpa-petix-petix,” kuwento pa ni Tan na may pa-scholar din siya sa mga anak ng kanyang mga empleado.

At ang pinaka-sikreto ni Tan sa kanyang tagumpay ay ang laging ‘di paglimot sa Itaas. “Ipinagdarasal ko lahat-lahat at siyempre, kung ano ang mayroon ako, isini-share ko rin. Mahalaga rin na magbahagi tayo sa mga taong tapat at loyal sa atin.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …