Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas PM Vargas

Alfred tatay, nanay, kuya, kaibigan kay PM

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

VERY close ang aktor na si Alfred kay PM Vargas dahil bukod sa magkapatid, iisa lang ang kuwarto nila.

Ayon kay Congressional aspirant for District 5 Patrick Michael o PM, dalawang taon lang ang pagitan nila ng aktor/politician na si Alfred. 

Dalawang taon lang ang pagitan namin kaya medyo magka-henerasyon. Iisa lang ang kuwarto at pareho kami ng kaibigan at kabarkada,” pagkukuwento ni PM ukol sa kapatid.

Pagtatapat ng tumatakbong kongresista ng Distrito 5, “Kapag kailangan ng kaibigan nagiging kaibigan si Kuya. Kung kailangan mo ng tatay nagiging tatay siya. Kung nanay, nagiging nanay din. Kaya talagang malaking bagay ‘yun na mayroon kang kapatid na pwedeng maging tatay, nanay, at kaibigan.”

Iginiit pa ni PM na proud siya kay Alfred. “Proud ako sa ginagawa naming trabaho (pagtulong sa kapwa) ng kapatid ko. Ang sarap din na may ka-batch ka kasama sa mga importanteng ganap sa buhay.”

Ipinagtapat pa ni PM na kung minsan ay may kahigpitan din si Alfred. At aminado naman dito ang aktor. Aniya, “Totoo minsan pinagagalitan ko siya noon pero ngayon usap-usap na lang. Nadadala sa tamang pag-uusap.”

Pero hindi naman pasaway si PM, kuwento ni Alfred, “laking Sta Maria, Bulacan kami na nag-aral sa Ateneo at every weekends at childhood lagi kaming magkasama. Naalala ko pa noon kapag naglalaro kami ng taguan, hirap si PM kasi may kalakihan siya. Pero kapag ako siyempre ang taya, hindi ko siya pino-pong ha ha ha.” 

Sinabi pa ni Alfred na mahalaga ang komunikasyon at pakikinig na siyang pina-praktis nilang mag-utol. “Nakikinig kami sa isa’t isa ‘yun ang importante. Kaya siguro maganda ang samahan namin.”

Samantala, hindi naman kinakabahan si PM na sikat na personalidad ang makakabangga niya sa district 5. Aniya, “Ang turo lang sa akin, gawin lang ang dapat gawin. Iba na ang panahon ngayon, na ang mga botante namimili talaga ng dapat nilang iboto. And with the guidance of Mayor Joy Belmonte at ng aking Kuya Alfred alam kong magagawa ko ng tama ang aking trabaho bilang mambabatas kapag nahalal ako. 

“Gumawa ng batas ang pinakatrabaho ko at makatulong. And welcome naman lahat ng gustong makapaglingkod,” giit pa ng bunsong kapatid ni Alfred.

Very proud si Alfred kay PM. “Very proud ako sa brother ko and ‘yung nagsasabi na masipag ako, mas masipag pa siya sa akin. ‘Yung nagsasabing mahusay ako, mas mahusay siya at sa nagsasabing matulungin ako, mas matulungin siya at alam ko at tiyak ako na district 5 is in good hands in the person of my brother.” 

Muli, iginiit ng magkapatid na Alfred at PM na, “Naka-focus lang kami lagi sa mas sinserong pagtulong.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …