MA at PA
ni Rommel Placente
SOBRANG nalulungkot si Katrina Velarde dahil hindi natuloy ang pagsali niya sa American Idol. Nakapasa siya sa virtual audtions pero hindi natuloy ang paglipad niya sa Amerika dahil naging isyu ang kanyang working visa.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ikinuwento niya ang pagkaudlot ng pagsali niya sa sikat na singing competition sa Amerika.
Facebook post ni Katrina,”Last year, someone from American Idol reached out to me and askied if I want to auditio virtuLast year, someone from American Idol reached out to me and asked if I want to audition virtually so I did. I sang at 5 am Philippine time, kaloka.
“Producers of the show were watching and more. I remember a lot of amazing singers from different countries auditioning.
“I passed the levels but then the problem came and it’s always the VISA. I won’t make it to the audition in person. Sayang!”
Talagang sayang sa parte ni Katrina. Kung sumalang kasi siya sa kompetisyon, nakatitiyak kami na malaki ang tsansa niyang manalo o umabot sa grand finals gaya ni Marcelito Pomoy noon. Alam naman kasi natin kung gaano siyang kahusay kumanta, ‘di ba?