Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jelai Andres Jon Gutierrez King Badger

Concubinage na isinampa ni Jelai Andres kay King Badger umakyat nasa korte  

UMAKYAT na sa korte ang kasong concubinage na isinampa ng Kapuso actress na si Jelai Andres laban sa kanyang dating asawang si King Badger.

Nagpiyansa si Jon Gutierrez alyas King Badger nang magtungo ito sa Quezon City Regional Trial Court noong nakaraang linggo para sa kasong Concubinage at Violence Against Women (And Children).

Kinasuhan ni Jelai si King Badger last year dahil sa pakikiapid. Nagkaroon umano ng relasyon ang rapper at vlogger na si Jon sa ibang babae na noon ay menor de edad pa lamang.

Nasa hustong edad na sa kasalukuyan ang nasabing babae at balitang isinama na rin sa isinampang kaso ni Jelai.

“Ang kasal ay isang sakramento, ‘wag nating gawing normal ang pakikiapid,” ani Jelai sa isang interbyu noong nakaraang taon pagkatapos ihain angconcubinage case laban sa dalawa.

Nawa’y maging isang leksiyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangang makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa,” giit pa ni Jelai. 

Nararapat lamang lang na makamit ni Jelai ang hustisya’t katarungan, sapagkat hindi naging madali ang pinagdaanan niya,” paliwanag ng abogado ni Jelai na si Atty. Faye Singson.

“Tunay ngang siya ay nahirapan, at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng nangyari sa kanila ni King Badger,” giit pa ng abogado.

Bukas ang pahayagang Hataw para sa pahayag ni ng dating miyembro ng Ex Battalion na si King Badger.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …